Tuesday , August 9 2022
Tirso Cruz III FDCP

FDCP aaksiyon agad-agad <br> PIPO KOMUNSULTA NA SA MGA LIDER SA INDUSTRIYA 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG masaya nga ang mga lider ng industriya sa pagkaka-appoint kay Tirso Cruz III bilang director-general ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mabilis namang nakagawa ng konsultasyon si Pip sa mga lider ng industriya para malaman kung ano ang una niyang dapat harapin. Wala namang sinasabi ang mga lider ng industriya laban sa FDCP, maliban sa sinasabing ilang priorities na mahalaga pero hindi siyang dapat unahin.

Kung iisipin mo, maliwanag naman na ang dapat harapin para makabangon ang industriya ay makabalik ang pelikulang Pilipino sa mga sinehan. Ang problema noong pandemic, walang sinehan. Ngayon may sinehan na, wala nga halos maipalabas. Ang problemal talaga ng pelikulang Pilipino, ang ginagawa ay mga pelikulang pang-internet.

Mahalay, hindi nakalulusot sa Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB), hindi kilala ang mga artista para mura lang ang bayad, at hindi kilala maging ang mga director. Kung ang

industriya ay makakapag-produce ng mga pelikulang gaya noong araw, walang dahilan para hindi maipalabas sa sine. Wala ring dahilan para hindi kumita.

Madaling ibangon ang industriya kung ang lahat ay magtutulungan para makabangon, pero kung ang iisipin lang nila ay kumita kahit na barya-barya, at igiit nila ang mga indie nila na ayaw naman tangkilikin ng mga Pinoy, walang mangyayari.

Si Nora Aunor na lang eh, ilan ang ginawang indie na hindi kumita? Si Vilma Santos, gumawa rin ng indie. Iyon kumita naman pero hindi rin kasing laki niyong ibang mga ibang mga pelikulang ginagawa niya.

Ang katuwiran kasi ng Pinoy, bakit nga naman sila magbabayad sa isang pelikulang tinipid at minadali ang pagkakagawa, eh pareho rin naman ang ibabayad mo sa isang pelikulang ginastusan at maganda talaga ang pagkakagawa? Hindi mo masisisi ang audience, mahirap kumita ng pera ngayon, tapos ibabayad mo lang sa indie? Sa abroad ang ibig sabihin ng indie, ginawa ng independent producers. Dito sa atin basta indie, walang kilalang artista, minsan maski director hindi mo kilala, minadali, binarat, at karaniwan pa ay kahalayan ang tema.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …