Saturday , July 27 2024
Krystall Herbal Soaking Powder Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Alipunga at rashes tanggal sa Krystall soaking powder

Sister Fely,

HINDI po ako makatawag sa radio, kaya po sa sulat na lang share ko ang ginawa sa akin ng inyong produkto. Lumusong po ako sa baha dahil mataas ang tubig sa palengke dala ng high tide dito sa Hagonoy. May pwesto po kasi ang anak ko, hanggang hita ang laki ng tubig at gabing-gabi na po ako nakapagbanlaw.

Nakaramdam po ako ng makati kaya kinamot ko, sarap kamutin talaga.

Hanggang lumala at may butlig ‘di ko maiwasan kamutin habang sinasabon ko kahit mahapdi kamot pa rin ako. Hanggang kumalat sa buong binti pababa ng tuhod. Ang kapal ng butlig at mapula nagtutubig. Marami nang gamot at sabon sa kati ang ginamit ko ‘di pa rin gumaling parang lalo pang nagalit mistulang galis, nakakahiya na.

Buti na lang may Krystall soaking powder sa anak ko. Ginagamit ko ‘yun at sinusunod ang nakasulat kung paano gamitin. Tiniis ko talaga kahit mainit na nakababad ang paa ko nakaramdam ako ng ginhawa.

Hanggang sa sumunod na araw, doon nag-umpisa na nakaramdam ako ng ginhawa, namatay ang kati pati mga butlig. At higit sa lahat gumaling nang walang peklat.

Salamat sa Kystall Soaking powder.

Hiyang din ang Krystall Herbal oil sa dalawa kong apo kapag may ubo at sipon, masahe lang sa likod at dibdib tanggal ang sipon at ubo.

Gayon din sa diaper rash, Kystall Herbal oil lang galing ang lahat.

Sister Teresita R. Bartolome.

49 years old

Brgy. Binakad,

Paombong, Bulacan

About Fely Guy Ong

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *