Monday , August 8 2022
Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media post ang side by side na komento ni Ambeth Ocampo, isang historian at dating namuno ng National Historical Commission, at ngayon ay isa ring religious sa ilalim ng mga Benedictines ay nakapag-comment din sa sinasabi ng female starlet na si Ella Cruz na ang history ay para lang tsismis.

Sabi ni Brother Ambeth, “ang history, maaaring isulat o maikuwento nang may bias, pero may basehan.” Iyon nga namang tsismis ay mga kuwentong nagagawa kahit na walang basehan. Ang kasabihan nga noong araw, titingala lang at manonood ng butiki pagkatapos may tsismis na.

Hindi rin namin maintindihan kung bakit nagsalita nang ganoon iyang si Ella. Dahil ba sa gusto niyang palabasin na ang ginagawa niyang pelikula ay mas makatotohanan kaysa mga tsismis na kumalat noong araw, o “mema” lang?

Pero dahil sa kanyang social media post na iyon, binagyo siya ng katakot-takot na bashers, at kawawa naman iyong bata kasi sinasabi nilang, ”kaya pala hindi sumikat iyan kasi ganyan.” Ano naman ang kinalaman ng kanyang comment sa history doon sa naging flop niyang pelikula noon na siya ang star? Matagal na iyong pelikulang iyon bago siya nag-comment tungkol sa history.

Hindi naman masasabing iyon ang dahilan kung bakit flop ang pelikula niya noon. Siguro may mali sa kombinasyon sa project kaya hindi pinanood iyon sa sinehan.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …