Thursday , June 4 2026
Dennis Padilla Leon Barretto Julia Barretto

Dennis may mali sa paghingi ng sorry sa anak na si Leon 

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN pero sa tingin namin talagang isang kakatuwang sitwasyon iyon nang mag-apologize si Dennis Padilla at humingi pa ng paumanhin sa kanyang anak na si Leon, matapos siyang sumbatan niyon sa pamamagitan ng social media na inilalagay daw  niya sa kahihiyan ang kanyang mga anak, kaya nagsalita na siya bilang depensa sa sarili at sa mga kapatid niya.

Ang naging sagot naman ni Dennis, “sorry na, na-miss ko lang kayo.” Tapos inamin din ni Dennis ang kanyang naging pagkukulang sa kanyang mga anak, at hindi niya nasustentuhan ang mga iyon noong panahong nawalan siya ng trabaho. Ewan pero parang mali ang sitwasyon.

Kasi bilang isang ama, pinanindigan ni Dennis ang responsibilidad sa kanila. Pinakasalan niya ang nanay nila. Siya ang nagbigay ng suporta sa kanila hanggang noong mawalan na nga lang siya ng hanapbuhay, at hindi naman niya sinabing ayaw niyang magbigay ng suporta. Gusto niya, wala lang siyang maibigay talaga.

Ang naging tugon doon ng kanyang mga anak, nagharap ang mga iyon ng kaso sa korte para mapalitan na ang kanilang pangalan, at gawin nang Barretto, at isa sa mga dahilan ay hindi naman sila masuportahan ng tatay nila. Bukod nga sa nakakuha na rin naman ng annulment ang kanilang ina.

Siguro ganyan na nga ang paniwala sa makabagong panahon, pero hindi kasi ganyan ang nakagisnan namin eh. Sa amin kasi kailangang kilalanin at irespeto ang mga magulang “mabuti man sila o masama.” Iyon ang sinabi ng Diyos eh, “igalang mo ang iyong ama at ina, at ikaw ay magtatamo ng isang mahabang buhay.” Hindi sinabing

kilalanin mo ang tatay mo kung maibibigay sa iyo ang lahat ng kailangan mo at luho. Sinabing igalang mo ang magulang mo, ano mang klaseng magulang sila.

Opinyon lang namin ito ha, kakampihan namin si Dennis ano man ang naging pagkukulang niya. Baka magsisi ang mga anak niya kung dumating ang panahon na magkaroon na rin sila ng sarili nilang mga anak na susumbatan na rin sila, at hindi na gamitin ang kanilang pangalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …