Wednesday , August 10 2022
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Relasyong Jeric at Rabiya ‘di seryoso 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABILIS daw na naka-move on si Jeric Gonzales mula sa split nila ni Rabiya Mateo. In the first place totoo bang nagkaroon sila ng relasyon? Palagay namin kung nagkaroon man ng relasyon, hindi seryoso. Noong una nga naming narinig, iyan ang inisip agad namin, isang publicity slant lang para sa isang project. Isa pa, makabubuti iyon kay Jeric dahil matatakpan na ang mga tsismis sa kanila ni Sheryl Cruz na malaki rin naman ang tanda sa kanya, at saka iyan ngang sumabog na namang gay issues.

Sa parte naman ni Rabiya, na ang puhunan lang nang pumasok sa showbiz ay isa siyang beauty title holder, mas makatutulong iyon para ilapit siya sa masa.

Pero ang totoo, hindi kami kumbinsido na may seryosong relasyon, dahil kung seryoso iyan tiyak iyon, may mga iintriga agad sa kanilang relasyon. Eh wala eh.

Ngayon naka-move on na raw si Jeric. Hindi nila sinabi kung move on na move on na rin si Rabiya. In the first place kailangan bang mag-move on?

About Ed de Leon

Check Also

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja kay Joey naman makikipagbarubalan

COOL JOE!ni Joe Barrameda I am so proud of Maja Salvador. Multi-talented talaga siya. Ngayon sa …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cloe Barreto

Cloe aminadong baliw sa pag-ibig — Walang bawal, bawal!

MA at PAni Rommel Placente SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. …

Josef Elizalde Cara Gonzales Ava Mendez Rob Guinto Kat Dovey Stephanie Raz Quinn Carrillo

Josef mangangabog, hari ng Vivamax

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na kaiinggitan ng mga barako si Josef Elizalde dahil anim ang …