Thursday , April 25 2024
James Reid Liza Soberano

Associates’ na hahawak ng career ni Liza wala pang napasisikat

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY announcement na sila, pormal nang pumirma si Liza Soberano bilang artist ng Careless Music ni James Reid. Medyo

naguluhan  kami, bakit Careless Music na isang record producer at hindi ang isa pa nilang kompanyang Reid Entertainment na ang una nilang balak ay maging management company na ang mamamahala ay tatay ni James. Hindi ba roon sana una gustong magpa-manage ng dati niyang live-in partner na si Nadine Lustre?

Kasabay ng pagpirman ni Liza, may umugong na namang tsismis na may iba raw silang “associates” na siyang tatayong tunay na manager ni Liza, front lang ang kompanya ni James. Kung iisipin mo nga naman, kung si James hindi nai-manage nang husto ang sarili niya eh. Bumagsak ang kanyang popularidad simula nang mawala siya sa Viva.

Palagay namin, hindi naman maitatago iyan eh. Lalabas at lalabas din kung sino ang talagang magpapatakbo ng career ni Liza, at makakaya bang magpatakbo?

Kung ang “associates” nila ay iyon ngang narinig namin, nakow wala pang napasikat iyang mga iyan kahit na noon pa.

About Ed de Leon

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome huli paghawak sa tuhod ni Krissha 

I-FLEXni Jun Nardo HALATANG malapit sa isa’t isa sina Jerome Ponce at  Krissha Viaje dahil sa mediacon ng coming Viva …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

ABS-CBN AllTV

Kapamilya muling nagpapalaki ng imahe, nakahanap ng kakampi sa AllTV

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN ba ninyo iyong bagong station ID ng Kapamilya channel? Bale …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

JK Labajo pilay

JK Labajo nahulog habang kumakanta

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT kami roon sa isang video na napanood namin. Ganadong-ganadong kumakanta …