Thursday , March 30 2023
Carla Abellana Tom Rodriguez

Tom Rodriguez handa ba sa alimony?

HATAWAN
ni Ed de Leon

DIVORCED na nga sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Maliwanag na dahil si Tom ang nasa US, siya ang nag-file ng petition for divorce. Pero hindi makagagawa ng ganoon kabilis na desisyon ang korte sa US kung wala ring dokumento na nagsasabing pumapayag si Carla na ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Pero hindi sila sa US ikinasal. Nagpakasal sila sa Pilipinas, ang kaisa-isang bansa sa buong mundo, bukod sa Vatican na isa ring independent state, na hindi kumikilala sa divorce. Rito sa atin, ang mag-asawang gustong maghiwalay ay maaari lamang humingi ng legal separation, na nagpapahintulot sa kanilang mamuhay nang hiwalay, pero nananatili silang kasal kaya hindi maaaring mag-asawang muli.

Sa ilalim ng umiiral na family code, kinikilala na ang annulment, pero hindi gaya ng divorce, sa isang kaso ng annulment ay kailangang patunayan na ang kasal ay walang bisa sa simula’t simula. May isa pang problema, kasal sila sa simbahan, na bagama’t may sarili ring annulment process ay hindi kumikilala sa legal annulment lamang. Kaya kailangan nila ng annulment mula sa simbahan at sa estado.

Sinasabi sa ating mga batas, na ang divorce ay kikilalanin kung sila ay Muslim, o kung ang nakipag-diborsiyo ay isang foreign national na kinikilala ang divorce. Ok lang dahil si Tom ay American citizen din.

Pero nangangahulugan ba iyan na si Tom ay nakahanda ring magbayad ng “alimony” kay Carla?  Kung sinasabi niyang siya ay na-scam at walang pera paano siya makapagbabayad ng alimony? Natural lang na ang isang kaso ng divorce ay may kasamang alimony.

Pero iyan ay mas mabuti sigurong pag-usapan na ng kanilang mga abogado.

About Ed de Leon

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …