Saturday , July 2 2022
Blind Item, Male Celebrity

Rich gay naasar kay male star, condo at kotse binawi

ni Ed de Leon

IBA rin ang kapalaran ni male star. Naging syota siya ng isang rich gay. Ibinahay siya at ang kanyang pamilya sa isang condo. Ibinili siya ng kotse. Lahat ng kaluwagan ibinibigay sa kanya. Kaso naasar din ang rich gay, dahil nalaman niyang bukod pala sa kanya, si male star ay pumapatol pa rin kung kani-kaninong bakla.

Ang masama, nagkaroon pa ng gulo, nang mabisto ng misis ng rich gay ang kanilang relasyon. Pinalayas niyon ang male star at ang kanyang pamilya sa kanilang condo. Tapos ipinasuspinde pa ni misis pati ang credit card na siyang ginagamit ni male star sa pagbabayad ng kotse, dahil doon ang sasakyan niya ay nabatak. Pero si male star,

hindi affected, kumabit na naman siya hindi lang sa isa kundi sa tatlong bakla pa, na lahat ay nagsusustento sa kanya.

Bakit kaya ayaw pa niyang tigilan ang ganoon eh naeeskandalo na siya. Binibigyan pa naman siya ng build-up ngayon ng kanyang network. Talaga bang enjoy na siya sa pakikipagrelasyon sa mga bakla kahit na sinasabing may syota na siyang isang female

personality?

About Ed de Leon

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …