Monday , July 4 2022
Nic Galano Catriona Gray

Newbie singer Nic Galano pangarap makapareha si Catriona Gray

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINDI itinigil ng baguhan at guwapong singer na si Nic Galano ang kanyang pangarap na maging mahusay at sikat na mang-aawit kahit pa hindi siya pinalad na makapasok bilang finalist sa unang season ng Idol Philippines, ang ABS-CBN reality singing competition na pinagwagian ni Zephanie Dimaranan noong 2019.

Nakapasok po ako sa audition pero hindi po ako pinalad na makaabot po sa finals. Pero nandito pa rin po ako ngayon kumakanta po. Mahilig po akong maggitara and nagba-busking din po ako sa probinsya namin sa Isabela. Kumakanta rin po ako sa mga restaurant at may gigs din po ako roon. Nag-upload din po ako ng songs ko sa YouTube channel ko,” sabi ni Nic nang pumirma siya ng kontrata sa ARTalent Management kamakailan.

Kaya naman nagpapasalamat si Nic dahil may manager na siya ngayon sa katauhan ni Doc Arthur Cruzada, na inilunsad ang ARTalent Management kamakailan.

Na-discover po ako ni Doc Art noong ipakilala po ako sa kanya ni Atty. Ton. Nagpapasalamat po ako na napasama ako rito sa ARTalent. Naniniwala po ako na matutulungan ako ni Doc Art sa aking music career. At matutulungan din niya ako sa aking physical appearance at personality,” ani Nic.

Bukod sa pagma-manage ng talents, nasa beauty business din kasi si Doc Art, na owner ng Queen Eva Salon & SPA.

Sino naman ang gusto ni Nic na maka-collaborate na singers?

Si Moira Dela Torre po. Gusto ko pong maka-duet siya sa worship songs po. And ‘yung Kamikazee po, ‘yung songs po nila ang una kong kinakanta.” 

Dahil sa angking kaguwapuhan, charm at talent, nasabi namin kay Nic na pwede rin siyang mag-artista. At dito na inamin ni Nic na gusto rin pala niyang sumabak sa pag-arte.

Pangarap ko rin pong umarte at makita sa TV para ma-proud po sa akin ang family at friends ko po.”

Kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamili ng kanyang magiging leading lady, sino sa mga sikat na female celebrities ang gusto niyang makaperaha?

Si Catriona Gray po. Isa po siya sa hinahangaan ko na babae dahil sa kanyang talino at ganda. Inspired din po ako sa kuwento ng buhay niya, kung paano po siya naging matulungin at humble noon hanggang ngayon, at isa rin po siya sa pinakamagandang babae sa buong mundo para sa akin,” sagot ni Nic.

About Glen Sibonga

Check Also

Ayanna Misola

Ayanna Misola, sapol ng Covid-19

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TINAMAAN pala ng Covid-19 ang sexy star ng Vivamax na …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

DonBelle excited sa kanilang US tour concert show 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA ang loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa excited na mag-show …

Alfred Vargas Family

Rep Alfred Vargas sulit ang pag-iwan sa showbiz

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EMOSYONAL ang pagbibigay-pugay ni Quezon City Rep Alfred Vargas sa kanyang mga …

Piolo Pascual Sunlife

Piolo nahanap na ang partner in life, ‘di iiwan ang showbiz

HINDI pa iiwan o magreretiro si Piolo Pascual sa showbiz. At matagal pa rin bago siya makahanap …

Rhea Tan Beautederm

Local ambassadors sa Pampanga proud maging bahagi ng Beautederm family

ni Glen P. Sibonga KASABAY ni JC Santos at ng misis niyang si Shyleena Herrera na inilunsad bilang ambassadors …