Thursday , March 30 2023
Carla Abellana Tom Rodriguez

Tom give-up na kay Carla

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANG tanungin si Tom Rodriguez tungkol kay Carla Abellana ng isang netizen, ang isinagot niya ay isang picture na ang nakalagay ay “gag order.” Ibig sabihin, ayaw  niyang magsalita ng kahit ano pa man tungkol sa kanyang asawa. Nauna rito, nagpahiwatig na rin siyang tapos na nga ang kanilang relasyon at inalis na sa kanyang

social media account ang lahat ng mga picture ni Carla.

Sa sitwasyong iyan, hindi mo naman masasabing iniwan ni Tom si Carla. Nagkaroon sila ng problema na hindi natin alam kung ano talaga ang dahilan. Maliwanag naman na sinikap ni Tom na huwag tuluyang masira ang kanilang relasyon. Common knowledge ang efforts ni Tom na sila ay magkasundong muli, pero mukhang matigas na talaga si Carla. Hindi mo na masisisi ngayon kung mag-give up na rin si Tom. Lahat naman may hangganan eh.

Ang masakit nga lang, nangyari pa ito sa panahong sinasabing nagkaroon pa ng ibang problema si Tom na may kinalaman naman sa kanyang negosyo. Iyan ang panahong dapat sana siyang may kasama at makauunawa sa kanyang sitwasyon, pero hindi ganoon ang nangyari eh.

Pero sa nakikita naming attitude ni Tom, malalagpasan niya kung ano man ang mga problemang mayroon siya sa ngayon. Maganda pa rin naman ang kanyang outlook sa buhay sa kabila ng lahat. Kung hindi maganda ang attitude niyan, baka kung ano na ang ginawa niyan. Baka naglalasing na iyan o mas matindi pa, pero hindi eh. Maayos pa rin ang kanyang buhay at iyon ang isang bagay na kahanga-hanga sa kanya.

Wala kaming kinakampihan dahil hindi naman namin alam ang puno’t dulo ng problema nila, pero sa nakikita namin parang mas nakakukuha ng simpatya ng karamihan si Tom.

About Ed de Leon

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PAni Rommel Placente INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …