ni Ed de Leon
AKALA ko naman kung ano iyong sinasabi ng isa naming source na scandal daw ng isang newcomer. Una, hindi naman talagang newcomer iyan dahil matagal na iyang nag-trying hard. Ikalawa hindi naman talaga scandal iyong video na iyon dahil binayaran siya para gawin iyon. Ikatlo, maling sabihing siya ay isang male star dahil noon pa man ay kilala na siyang gay.
Matagal na naming alam ang sikreto ng newcomer na iyan. May nagkuwento na sa amin ng lahat at kompleto pati ang mga ebidensiya. Iyang newcomer na iyan ay “paminta” lang, dahil ang buong katotohanan matagal na siyang “gay for pay.” Iyan iyong baklang “nanananso ng kapwa niya bakla.”
May hitsura ang newcomer, pero not worth the attention dahil sa hindi magandang background.