Saturday , July 2 2022
Wilbert Ross

Hashtag Wilbert Ross may ambisyon, pero ‘di masyadong ambisyoso

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAGANDA ang pananaw ng Hastag member at ngayon ay isang actor na ring si Wilbert Ross. Oo gumagawa siya ng sexy movies, gaya ng pelikula niya ngayong High on Sex, pero ang mga pelikulang iyon ay comedy pa rin, hindi talagang iyon ang ibinebenta ay kahalayan. Hindi rin dapat na asahan si Wilbert na maghubad sa pelikula, o gaya ng iba na nagbubuyangyang na ng kanilang private parts. May career naman kasi si Wilbert, composer din siya at ngayon ay kumakanta pa.

Hindi naman siya masyadong ambisyoso na kagaya ng ibang mga hambog na ang balak agad ay makarating ng Hollywood. Suntok naman sa buwan iyon. Pero makikita mo na may ambisyon iyong bata.

Ngayon napakaraming baguhan na naisama lamang sa bit role sa mga gay indie at gay series, ang akala nila ay artista na sila. Akala nila sikat na sila. Iyan ang mga taong pagkatapos ay walang nadarama kundi kabiguan, at pagkatapos ang sisisihin sa katangahan nila ay ang kalakaran sa showbiz.

Sa showbusiness kung hindi ka tanga, at mapagpaniwala sa mga nambobola lamang na wala pa namang pruweba ang trabaho, hindi ka mapapahamak.

About Ed de Leon

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …