Tuesday , June 30 2026
Rhea Tan Beautederm Darren Espanto Ria Atayde Enchong Dee Cassy Legaspi Jelai Andres Ryle Santiago Kakai Bautista DJ Jhai Ho

Enchong, Ria, Cassy, Darren umarangkada sa Beautederm mall shows at store openings

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYANG-MASAYA ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na muli niyang nakakasama ang kanyang celebrity ambassadors para magbigay kasiyahan sa Beautederm store openings at mall shows.

Muli ngang umarangkada sa face-to-face hosting at performances ang Beautederm ambassadors simula nang luwagan ang health restrictions sa public places kasama na nga ang mga mall.

Katulad nang magbukas ang bagong Beautederm store sa SM Baguio, nagpasaya ang ambassador na sina Darren Espanto at Ria Atayde sa ginanap na mall show noong May 28.

Susundan naman ito ng grand opening ng latest physical store ng Beautederm sa SM City Bacoor. Magkakaroon ng meet-and-greet kasama ang Beautederm ambassadors na sina Enchong DeeCassy Legaspi, Jelai Andres, Ryle Santiago, Kakai Bautista, at DJ Jhai Ho at gaganapin sa Event Center sa Sabado, June 4. 

Sa kanyang Facebook post nagpasalamat si Ms. Rhea sa mga nakisaya sa kanila sa SM Baguio at nag-anyaya para sa susunod na Beautederm store opening at mall show sa SM City Bacoor.

Ayon sa FB post ni Ms. Rhea, “Maraming salamat sa pagmamahal Baguio! Up next! Grand Opening of our new store! Beautederm SM Bacoor Cavite! Kitakits tayo sa Sabado, June 4, 3pm event center”

Sa isa pang FB post, ibinahagi rin ni Ms. Rhea ang excitement niya sa susunod na store opening at mall show sa SM City Bacoor. “Ahhhhh kakamissss to!! We aree soo back!! Halinat makisaya!! 

Super low prices! A lot of surprises for you Beautés! Plus! Bonding with your fave brand Ambassadors! Kitakits!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Dingdong Dantes The Master Cutter

Dingdong series mapapanood sa 4 na channels

I-FLEXni Jun Nardo HINDI lang isa o dalawang free TV channels mapapanood mamayang gabi ang The …

The Next Big Star JN

8 finalists ng The Next Big Star ng Viva iniharap sa media  

I-FLEXni Jun Nardo “FAME can blind you! Huwag kayo magbabago,“ payo ni Cristine Reyes sa walong finalists ng The …

Cecille Bravo

Mga natatanggap na parangal, handog sa mga mahal sa buhay ni Ms. Cecille Bravo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BINIGYANG muli ng parangal si Ms. Cecille Bravo bilang isa sa Top 20 …

Andrew E PMPC Star Awards for Music

Andrew E., dumanas ng higit 500 rejections, ganap nang isang icon ngayon, pinarangalan pa ng Lifetime Achievement Award for Music

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG natatanging pagpupugay at pagkilala ang iginawad sa nag-iisang “King …

PAPI RESCOM Philippine Army gun safety training

PAPI at RESCOM Philippine Army, nagsanib-puwersa sa gun safety training para sa mga mamamahayag

TANZA, CAVITE — Sa propesyong ang pangunahing sandata ay panulat, kamera, at katotohanan, muling pinaalala …