Wednesday , November 12 2025
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Dandruff ni Tatang pagpag agad, buhok kumapal  sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

               Ako po si Jackson Amarillo, 26 years old, IT sa isang BPO company at kasalukuyang naka-work from home (WFH). Kami po ay naninirahan sa Zabarte, Caloocan City.

               Noong una po’y hindi ko pinapansin ang Krystall Herbal Oil. Pero nagtataka po ako, kasi tuwing may nararamdaman, o nasusugatan, o health emergencies, laging Krystall Herbal Oil ang hinahanap at naririnig kay mommy.

               Sabi ni mommy, da best daw ang Krystall Herbal Oil o ang tinatawag niyang miracle oil. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang mahusay ang miracle oil. Pero lahat ng haplasan nito ni mommy, sakit ng tiyan, insect bite, sugat na nagdurugo, sakit ng ulo, pasma, grabeng pagkahilo, buntis na manganganak, at iba pa — lahat ‘yan nareresolba ng Krystall Herbal Oil.

Dahil talagang amaze na amaze ako sa husay at bisa ng Krystall Herbal Oil, sinubukan ko po itong gamitin sa dandruff ni lolo. Manipis na po kasi ang buhok ni lolo na 78 years old na, pero napapansin ko na kamot nang kamot siya. Kaya tiningnan ko ang ulo niya, at nakita ko nga ang mga dandruff.

Una po minasahe ko ang ulo niya ng Krystall Herbal Oil, tapos kumuha ako ng bulak saka kinuskos dahan-dahan ang bahaging nakikita kong may dandruff. Lumambot ang dandruff at saka dahan-dahan kong sinuklay hanggang tuluyang matanggal ang dandruff.

After po ng session namin ni lolo ay pinaliguan ko siya at hayun, parang ang laking kagaanan ng pagkakatanggal ng dandruff, nakatulog siya nang mahimbing at hindi na kamot nang kamot.

Bukod sa pagkawala ng dandruff, napansin ko rin po na parang kumakapal ang buhok ni lolo.

Dahil po sa personal na karanasan, tuluyan na po akong nahikayat ni mommy na mahusay at mabisa talaga ang Krystall Herbal Oil.

Maraming salamat po Sis Fely.

JACKSON AMARILLO
Caloocan City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Rodjun Cruz Kryzl Jorge Liezl Jorge Purple Hearts vitamins

Rodjun kaakibat ni Kryzl sa pagpapalawig ng Purple Hearts

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MALAKI ang naitulong ng bagong vitamins ng lifestyle brand na Purple …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

Gatewat Mall Araneta Xmas

Maningning na Pag-iilaw sa Christmas Tree ng Gateway Mall 2

MASAYA at maningning na isinagawa ang Christmas Tree Lighting ng Gateway Mall 2 sa Quantum …