Thursday , March 30 2023
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Paro-Paro G ng senado

PROMDI
ni Fernan Angeles

HINDI na bago sa politika ang pagsulpot ng mga balimbing – o yaong mga tinatawag na “Paro-Paro G.”

Ito ang kuwento ng alagang tuta ng talunang 2016 vice-presidential candidate na biglang dumapo sa bakuran ng tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Pilipino – si Senator-elect Robin Padilla. Bakit nga naman hindi… nag-number one kasi.

Tawagin natin ang “Paro-Paro G” ng senado sa pangalang Melo na minsang nagpakilalang hindi iba sa bilyonaryong si Manny Villar.

Kakaiba ang “budol power” ng kumag. Katunayan, nang matalo noong 2016 ang kanyang orihinal na amo, mabilis siyang sumiksik sa pundilyo ng isang senador na kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa loob ng anim na taon, namasasa kaladkad ang pangalan ng senador at punong ehekutibo. Ang siste, matatapos na ang termino ni Duterte kaya dumapo naman sa kampo ng susunod na Pangulo. Ang masaklap, walang kamalay-malay sina Senator-elect Padilla at incoming Justice Secretary Boying Remulla na ginagamit lang sila.

Pero teka, hindi ba si Melo din ‘yung pinakamasipag bumaterya kay Marcos Jr.? Ang tanong – ano ba ang kanyang motibo? Kung pagbabatayan ang pagpapalipat-lipat niya, malinaw na ayaw lang niya mawalan ng ganansiya.

Ano pa nga naman pakinabang ng kanyang amo gayong mawawala na sa Palasyo ang kasanggang Pangulo? Pero ‘wag ka, do’n talaga siya nagkamal ng napakaraming pera gamit ang pangalan ng kanyang ‘dating amo.’

Dating amo? Nang minsan kasi siyang tanungin ng journo sa senado, ‘yan ang kanyang dayalogo. Di na raw siya roon nagtatrabaho. Pero teka, iba ang sinabi ng impormante kong mula mismo sa tanggapan ng kanyang ‘dating amo.’

Nakupu… iba ka Melo! Kung may ranggo ang mga matakaw, pihadong heneral si tarantado.

Ang totoo, wala sa mga sinamahang senador ang katapatan ng pakawala ng politikong paulit-ulit na lumapastangan kay Marcos, Jr.

Sino ba talaga ang kanyang tunay na pinaglilingkuran? Pera lang, walang iba. Katunayan, pati ang mga nangangarap magkapuwesto sa gobyerno, sa kanya na rin nagtutungo. Susmaryosep! Tila pinagkakakitaan na niya ang susunod na Pangulo hindi pa man ganap na nakauupo sa puwesto.

Aba, dapat sigurong kapunin agad ang gagong ito!

About Fernan Angeles

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …