Saturday , June 25 2022
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Stiff neck tanggal agad sa machine therapy at Krystall products

Dear Sis Fely,

Magandang araw po sa inyo Sis Soly Guy Lee at Sis Fely Guy Ong at sa inyong programa na “KALUSUGAN MULA SA KALIKASAN.”

Ako po si Sis. Linda Amahit na taga-Pasig.

Patotoo ko lang po ang bisa ng ating product na Krystall Herbal.

Kasi po noong nakaraang taon, ako ay nagkaroon ng stiff neck. Kinaumagahan pagkagising ko, nararamdaman ko na masakit ang aking leeg. Hindi ko na po iyon pinapansin dahil baka kusang mawala lang.

Ako ay agad naligo at pagkatapos pumunta ako sa palengke. Ako ay namili at marami akong bitbit. Pagdating ko sa bahay nahihirapan na po akong lumingon na parang naninigas na po ang ugat ko sa leeg dahil po siguro pinaliguan ko at napasukan ng lamig. Sobrang sakit po talaga Sis Fely.

May nag-advice sa akin na pumunta po ako sa clinic ninyo at magpa-machine therapy upang mahugutan ng lamig at hangin at iyon po ay aking sinunod.

Pagdating doon ay agad nila akong ginawan at hinaplosan ng Krystall Herbal Oil at Krystall Bukol Cream. Kulang isang oras akong hinaplosan at pagkatapos ako ay uminom ng Krystall Nature Herbs, Krystall Vit. B1B6 at Krystall Yellow Tablet.

Pag-abot ng ilang minuto ay naramdaman ko na hindi na gaanong masakit at ako ay nakalilingon na at iyon ay tinutuloy ko ang paghaplos at pag-take hanggang gumaling na ako.

Maraming salamat sa inyong produkto. Hanggang ngayon ay iyon na po ang ginawa kung maintenance Krystall Herbal Oil, Krystal Vit. B1B6 at naipapamahagi ko na rin po ito sa aking mga kamag-anak sa probinsiya.

God bless!!!

Nagpapasalamat,

Linda Amahit

PAUNAWA

KUNG nais po ninyong makasali sa pa-raffle ng FGO Herbal Foundation, gupitin lamang ang logo ng pahayagang Hataw at ilakip sa loob ng sobre bilang raffle entry. Pwede ninyong dalhin sa alinmang FGO Herbal Clinic. Makinig sa programang “Kalusugan mula sa Kalikasan” Monday to Friday 1:00 pm to 2:00 pm 1314 khz DWXI.

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa  telepono bilang (02) 853-09-17 o  852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Paranaque City.

Back to Back NATURE’s HEALING

ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Sindikatong laglag pangalan

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Hunyo 12 pekeng araw ng kalayaan

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa …

Dragon Lady Amor Virata

Mga bastos sa FB swak na sa kulungan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon na ang mga …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Iyaking Hunyango

PROMDIni Fernan Angeles SA ITINAGAL-TAGAL ko sa pagiging peryodista, hindi ko na rin mabilang kung …

Krystall Herbal Oil

Bakit KRYSTALL Herbal Oil ang gamit ni Lola Ising?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply