Sunday , March 26 2023
Kris Aquino

Kris sinupalpal mga nagpapakalat na agaw buhay na siya

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGPAABOT ng mensahe ng pagmamahal, pagdarasal, at mabilis na paggaling kay Kris Aquino ang maraming celebrities na nag-aalala sa kalagayan ng Queen of All Media matapos nitong mag-post ng video sa Instagram na inamin nitong “life threatening” na ang kanyang sakit.

Ayon sa komento ni Karen Davila sa IG post ni Kris, “KRIS, Iam praying for your healing and a miracle.”

“Get well soon! Praying for your fast and complete healing,” komento naman ni Cheska Garcia Kramer.

Maging ang sikat na impersonator ni Kris na si Krissy Achino ay nagkomento na, “Storming the heavens with our prayers for you, Ms. Kris! Speedy recovery & please get healthy soon. Love, love, love!”

Kabilang din sa celebrities na nagbigay ng mensahe at prayer emojis sina Derek Ramsay, Vina Morales, Bernadette Sembrano, Neri Miranda, at iba pa.

Sa kanyang IG post, inamin ni Kris sa caption na “life threatening” na ang kanyang sakit kaya kailangan na niya talagang magpagamot sa abroad. Ini-reveal din niya na tatlo na ang kompirmadong autoimmune conditions niya.

Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the (USA flag emoji) – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.”

Sa ipinost niyang video, sinupalpal ni Kris ang mga nagpapakalat ng tsismis na nag-aagaw buhay na siya.

Yung tsismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay, masyado kayong advance. Para klaro ang lahat and dahil gusto niyong patayin na ako – well, I am not yet dead. I am going to fight to stay alive,” sabi ni Kris.

Nakiusap din si Kris sa caption na huwag na idamay sa bashing at pagpapakalat ng fake news ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.

Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak niyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin. Hindi niyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish Kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.”

About Glen Sibonga

Check Also

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Althea Ablan Shayne Sava Prince Clemente

Althea may umaaligid nang Prince Clemente; Shayne focus muna sa career

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO ang Sparkle artist na si Althea Ablan na mabigat ang kamay niya. Kaya naman sa …

Ara Mina

Ara isinantabi muna ang pagbubuntis, tututok sa career

I-FLEXni Jun Nardo IDOLO ni Ara Mina ang foreign host na si Oprah Winfrey mula noon hanggang ngayon. Eh …

Blind Item, man woman silhouette

Boyfie ayaw isama si GF sa mga ‘lakaran,’ takot mabuking ang sideline

ni Ed de Leon SI boyfriend noon, halos gabi-gabi ang lakwatsa sa mga watering hole at kung …