Thursday , March 30 2023
Tito Sotto Maricel Soriano Helen Gamboa

Maricel dinalaw si Tito Sen, pagkakaibigan kailanman ‘di tatalikuran

HATAWAN
ni Ed de Leon

INILABAS ni Ciara Sotto sa kanyang social media account ang pasasalamat kay Maricel Soriano na dumalaw sa kanilang tahanan noong isang araw para muling ipaalala na siya ay nananatiling isang kaibigan. Bago ang eleksiyon, binanatan ng mga

troll si Maricel dahil hindi raw niyon isinigaw ang pangalan ng ka-tandem nang inendoso niyang kandidato.

Diretsahan namang sinabi ni Maricel na ang ipinakiusap lang sa kanya ay iyong isang kandidato. Siguro kung sinabi sa kanyang kailangang tandem ang kanyang iendoso, hindi siya pumayag dahil kaibigan niya ang mga Sotto.  Malapit si Maricel hindi lang sa mga Sotto kundi sa lahat ng mga taga-Eat Bulaga. Matagal na niyang kaibigan ang mga iyan. May panahon pang ang tumayong manager niya at adviser ay si Malou Choa Fagar, na dating executive producer ng Eat Bulaga, at si Maricel ang isang taong hindi tatalikod sa kanyang mga kaibigan.

Hindi rin naman si Maricel ang kagaya ng ibang artistang basta bayaran mo lang gagawa na ng endorsement. Gagawin lang ni Maricel ang isang bagay kung pinaniniwalaan niya. Kung hindi siya naniniwala, hindi niya ieendoso iyan.

Si Sen. Sotto naman, makikita mong mahusay ang pagkatao. Noong makita niyang natalo siya, at milyon na ang lamang sa kanya, hindi siya gumawa ng issue. Natanggap niya iyon dahil ganoon talaga ang eleksiyon eh. In the first place, ngayon lang naman natalo sa eleksiyon si Sen. Sotto. Natalo man siya nakukuha pa rin niya

ang respeto ng mga tao.

Eh iyong iba tinambakan na at lahat nagpipilit pa ring nadaya siya. Nadaya pa eh, mahigit na 20 milyon na ang lamang sa kanya? Iyon ang mga walang karangalan.

About Ed de Leon

Check Also

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED Rni Rommel Gonzales SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller nanligaw ng babae

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang rebelasyon ni Krista Miller na siya ay nanligaw na ng babae. …

Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa …

Lai Austria

Model, vlogger ‘di kayang magpakita ng kahubdan

I-FLEXni Jun Nardo HINDI kayang magpakita ng maselang parte ng katawan ang model, content creator, …

Althea Ablan Jillian Ward

Althea tinalbugan na raw si Jillian 

I-FLEXni Jun Nardo KABILANG ang Sparkle artist na si Althea Ablan sa comfy summer outfits ng BNY clothing matapos i-launch ng Kapamilya young …