Friday , May 27 2022
Sharon Cuneta

SHARON OLATS NA NAMAN SA ELEKSIYON 
Mga artista ‘di epektibo sa kampanya 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON, naniniwala na kayo sa amin na hindi epektibo sa kampanya iyang mga artista? Tama ka Tita Maricris sa observation mo ilang araw bago ang elections, tambak ang mga artista sa kampanya. Pero sinabi na nga namin sa iyo, wala iyan. Ang artista pinanonood para maka-entertain. Hindi maniniwala ang tao ano man ang gawin nilang arte na naiintindihan nila ang politika at ang tunay na kalagayan ng bansa. Nakasakay ang mga iyan sa air conditioned na sasakyan, may tv, may higaan sila sa  loob. Hindi nila nararamdaman ang init ng araw na sumusunog sa karamihan ng ibang mga tao.

Pagdating niyan sa shooting, nasa isang air conditoned tent iyan. Basta humingi ng tubig bibigyan ng malamig na distilled water. Iyong maliit na artista, naghahanap ng puno na masisilungan, at kung humingi ng tubig, bibigyan ng tubig mula sa pitsel na hindi mo alam kung saang gripo kinuha ang laman.

Paano maniniwala ang mga tao na alam nila ang tunay na damdamin ng bayan?

Magbibigay kami ng example. Example lang naman ito. Noong nakaraang eleksiyon, ikinampanya nang todo ni Sharon Cuneta ang kapatid niyang si Chet na kumandidatong mayor ng Pasay. Ang tatay nila 50 taong mayor ng Pasay, minsan lang natalo. Bakit hindi nanalo si Chet eh ikinampanya siya ng megastar?

Ngayon todo kampanya na naman siya sa kanyang asawang si Kiko Pangilinan, hindi rin nanalo. Umangat dahil sa survey mas bagsak siya, pero sinasabi ngang ang nakatangay sa kanya kahit kaunti ay si VP Leni Robredo, na matindi rin ang pakiusap na iboto ang kanyang ka-tandem. Aba eh kung nanalo siya, at ang naging vice niya ay si Sara Duterte o si Tito Sotto, kawawa siya. Pero si Kiko parang nakatakda nang matalo.

Noted ba?

Kaya sinasabi namin hindi nakatutulong iyang mga artista. Kung kukuha ka ng artistang endorser, pag-aralan mo muna anag track record. Iyan ang basic marketing rule. Si Sharon simula nang magbalik, nakalimang pelikula na pero isa man doon ay hindi na naging hit gaya noong dati. Itinambal na siya kina Richard Gomez at Robin Padilla na parehong winners, pero walang nangyari. Hindi naman nasira ang vocal chords niya gaya ng nangyari kay Nora Aunor, pero matagal na rin siyang walang hit na kanta. Matagal na rin siyang walang tv show na may rating. Isinama siya sa Ang Probinsyano, lampaso pa rin iyon sa kalabang First Lady. Kung kami ang kandidato, hindi rin namin kukuning taga-kampanya si Sharon. Baka si Angeli Khang pa ang kunin namin.

About Ed de Leon

Check Also

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …

Vice Ganda

Nasaan na nga ba si Vice Ganda?

HEY! Hey! Hey! What happened na sa mga artistang sumampa sa entablado with matching grand …

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …