Saturday , May 28 2022
Kuya Germs German Moreno

Walang tulugan’ ni Kuya Germs isinisigaw ngayon

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALANG tulugan.” Iyan ang karaniwang maririnig mong isinisigaw ni Kuya Germs. Kung sabihin nga nila noong araw, si Kuya Germs ang may kagagawan kung bakit maraming Filipino ang may insomnia, kasi sigaw siya nang sigaw ng “walang tulugan.” Kasi naman binigyan siya ng TV show na kung magsimula nang live, kadalasan lampas na ang hatinggabi, kaya nga minsan inaabot siya ng 4:00 a.m..

Pero simula nang mawala si Kuya Germs, nawala na rin iyong “walang tulugan.” 

Noong isang gabi, inaantok na kami, at naiidlip na habang nanonood ng telebisyon nang tila nagulantang na lang kami nang magsigawan sa telebisyon ng “walang tulugan.” Totoo, milyong tao ang sumisigaw ng walang tulugan. Iba ang dahilan ng pagsigaw, pero iyong expression na pinasikat ni Kuya Germs, iyon iyon.

Siguro kung nasaan man si Kuya Germs, nangingiti na lang siya dahil hanggang ngayon may sumisigaw pa rin ng“walang tulugan.” 

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Bongbong Marcos Sara Duterte Proclamation

Marcos – Duterte tandem iprinoklama na NBoC sa Kamara

ni Gerry Baldo Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …