Friday , May 27 2022
Toni Labrusca

Tony Labrusca lusot sa kasong pambabastos

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAKAHIHINGA na nga nang maluwag ngayon si Tony Labrusca dahil nalusutan na niya ang kanyang huling kaso sa korte. Suwerte naman iyang si Labrusca, lagi siyang nakalulusot. Mahusay ang nakukuha niyang abogado. Iyong una niyang kaso noon sinigawan niya ang isang immigrations officer, samantalang tama naman ang ginagawa niyon dahil siya ay isang US citizen. Ayon sa batas, makakapanatili lang siya nang matagal sa Pilipinas kung kasama niyang darating sa bansa ang isa man lang sa kanyang mga magulang na Filipino.

Iginigiit naman niyang siya ay artista, nagpunta siya rito para magtrabaho at sa nakaraang pagkakataon ay pinayagan siya ng immigrations na manatili nang matagal. Hindi niya sinabing noong panahong iyon ay kasama niya ang ermat niya na isang Pinay. Nalusutan niya iyon.

Ngayon naman idinemanda siya dahil sa pambabastos daw isang babae sa isang party. Sinasabing lasing si Labrusca noon. Aba isipin ninyong malusutan din niya iyon. Technicality ang dahilan, kaya kahit na nakakita ang piskalya ng sapat na ebidensiya, lumalabas na isinampa ng complainant ang kaso nang lagpas na sa prescribed period,

nakalibre na naman si Labrusca.

Talagang suwerte-suwerte lang iyan, pero dapat mag-ingat na siya dahil hindi niya masasabing hindi na mauubos ang suwerte niya.

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …