Thursday , May 26 2022
Blind Item Young Actress Mystery Girl

Female starlet nag-aral na lang nang ‘di makaalagwa ang career

ni Ed de Leon

NANAHIMIK na raw ang isang female starlet dahil mukhang sunod-sunod na dagok lang ang dumating sa kanyang career. Noong una, nagreklamo ang kanyang ka-love team at hiniling mismo sa network na palitan siya bilang ka-love team ng female starlet.

Lumipat na lang ng network ang starlet hoping na sa lilipatan niya ay mas mabibigyan siya ng break, kaso hindi rin. Sumali naman siya sa isang beauty pageant, lost din. Kaya pagkatapos niyon,

lost in action muna siya sa showbusiness. Pero hindi raw totoo ang tsismis na nag-madre na siya kaya nawala.

Nag-aaral na lang pala siya ulit matapos niyang ma-realize na mas may kinabukasan siya kung makapagtatapos ng pag-aaral, kaysa magpilit siya sa showbusiness na mukha namang wala siyang kinabukasan.

Ganoon naman dapat ang attitude, magsikap ka. Gawin mo ang lahat ng

makakaya mo. Kung nagawa mo na ang lahat at wala pa rin, tigil na.

Huwag ka nang mag-trying hard. Mahirap iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …