Friday , May 27 2022
Sarah Geronimo

Kasikatan ni Sarah maibalik pa kaya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAALALA lang namin noong mapanood ang isang pelikula niya sa cable noong isang gabi. Noon nga palang pre-pandemic era, sikat na sikat si Sarah Geronimo hindi lang bilang singer kundi bilang isang aktres din. Kabilang ang mga pelikua nila ni John Lloyd Cruz sa malalaking hits noon. Sunod-sunod halos iyon at wala ring tigil ang kanyang recording. Noong magkaroon ng pandemic, tumamlay ang kanyang career. Siyempre walang concerts. Wala ring pelikula dahil sarado ang mga sine. Pero masasabi ngang siguro ang pinakamatinding dagok sa career ni Sarah ay noong mawala ang ABS-CBN.

Na-build up siya nang husto sa mga show ng ABS-CBN. Iyong mga magaganda niyang pelikula ay ginawa sa Star Cinema. Noong magsara ang ABS-CBN, naglaho na rin ang Star Cinema. Hindi kailangan ng Star Cinema ng franchise, pero kung ang mother company mismo ay sarado at hindi kumikita, paano nga ba tatayo iyong kanilang subsidiary?

Actually ang kontrata naman ni Sarah ay sa Viva, pero ang ginagawa namang mga pelikula ng Viva ay puro bold dahil inilalabas nga nila sa internet streaming lang. Hindi pa naman sila nakapapasok sa sinehan na kagaya noong dati. Mukha namang happy sila sa bold movies dahil maliit lang ang puhunan at kahit mallit lang din ang kita, hindi

naman sila nalulugi. Iyon namang Viva Records hindi na halos nagpo-produce at gumagawa na lang sila kung may magpapagawa sa kanila, ibig sabihin hindi na sa kanila ang puhunan.

Saan ngayon pupuwesto si Sarah, hindi naman siya puwedeng mag-bold.

Pero may nagsasabi pa rin naman na epekto iyan ng kontrobersiyal na pagpapakasal ni Sarah. Hindi kasi naging maganda ang kuwento niyon lalo na nga’t nagalit ang mga magulang niya na winalang halaga sa kanyang kasal. Mali rin ang handling ng sitwasyon dahil pinabayaan nilang mangibabaw ang controversy. Kahit na sabihin nilang naareglo naman nila ang problema, pati na iyong sa driver ni Sarah na inumbag ni Matteo Guidicelli at nakarating pa sa pulis at kay Tulfo,  nabigo silang “i- romanticize” ang kuwento ng kasal kaya naging nega hindi lang para kay Sarah maging kay Matteo.

Ngayon, ewan natin kung maibabalik pa nila sa dating estado ang popularidad ng mag-asawa.

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …