Wednesday , March 22 2023
Tony Labrusca

Tony Labrusca ligtas na rin sa kasong pambabastos  

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISA pang nakaligtas sa kaso si Tony Labrusca. Sinabi ng Makati Metropolitan Trial Court na mahina ang ebidensiyang iniharap laban kay Labrusca na magpapatunay na binastos nga niya ang complainant.

Ang isa pang sinasabi nila noon, nakalampas na ang prescription period bago naisampa ang kaso.

Mabuti iyan para kay Labrusca, dahil wala na nga siyang iniisip na kaso. Hindi na magkakaon ng delay kung ano man ang tatanggapin nilang trabaho. Kung may kaso siya, mahirap dahil hindi maaaring hindi siya sisipot kung may hearing. Istorbo naman iyon kung may makakasabay na schedule ng kanyang taping.

Isa pa, iba rin siyempre ang may inaalala siyang kaso. Iyon nga lang maaari pang umapela ang complainant kaya makabubuting samantalahin na niya ang pagkakataon para naman maayos ang problema at maiwasan nang umapela pa ang kanyang mga nakalaban. Sa ganyang sitwasyon naman, mas makabubuti kay Tony kung makipagkasundo na at maiwasan kung ano pang problema ang maaaring sumunod. Maganda rin naman iyon para sa image niya.

Isa pa iyang si Labrusca ay natatangay ng init ng ulo. ‘Di ba noon nagkaroon din siya ng kaso sa isang immigrations official na tama naman ang ipinatutupad na regulasyon?

About Ed de Leon

Check Also

Yassi Pressman Nadine Lustre James Reid Issa Pressman

Nadine may buwelta kina Issa at Yassi

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAGULO na naman ang netizens nang dahil sa isyung sangkot sina James Reid, Issa …

Blind Item gay sex

Male starlet nakatikiman ng kung ilang beses si matinee idol

ni Ed de Leon IGINIGIIT ng isang male starlet na noong araw daw ay nakilala na niya …

Benz Sangalang

Benz Sangalang, thankful sa magagandang project at pag-aalaga ng Viva

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG level na ang paghataw ng career ni Benz Sangalang. …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Liza Soberano Ogie Diaz

Ogie kay Liza — wala akong matandaang kinontra kita

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog tungkol sa …