Thursday , May 26 2022
Perci Intalan Elijah Canlas

Direk Perci proud sa kanyang bagong horror movie

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MASAYA si Direk Perci Intalan na natapos na ang shoot at principal photography ng kanyang bagong horror movie na idinirehe, ang LiveScream sa ilalim ng produksiyon ng The IdeaFirst Company.

Ibinahagi ni Direk Perci sa kanyang Instagram ang ilang behind-the-scene photos, na makikitang binibigyan niya ng instructions ang bida ng LiveScream na si Elijah Canlas.

Sa caption nito ay inihayag niya kung gaano siya ka-proud sa pelikula at sa lahat ng bumubuo nito. “’LiveScream’ just wrapped principal photography and I can’t wait to go into edit. Really proud of what we shot and even prouder with the team that worked on this – from the creative team to the production and to the production management team to the production design team to the wardrobe and make up and prosthetics to the camera and lighting team and of course to our cast. All brilliant, all tireless, all fearless. Thank you for taking this crazy intense journey with me, ‘LiveScream’ Team!” sabi ni Direk Perci sa caption ng kanyang IG post.

Matapos ang walong taon, nagbalik sa horror genre si Direk Perci sa pamamagitan ng LiveScream. Ang award-winning film na Dementia, na directorial debut ni Direk Perci noong 2014, ang unang horror movie na ginawa niya. Pinagbidahan ito ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama sina Jasmine Curtis, Bing Loyzaga, Yul Servo, Jeric Gonzales, at Chynna Ortaleza.

About Glen Sibonga

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …