Saturday , May 28 2022
Nadine Lustre James Reid Malcolm Reid

Tatay ni James playing safe para ‘di magmukhang ‘tokwa’ ang anak 

HATAWAN
ni Ed de Leon

BASURANG balita” ang itinawag ng tatay ni James Reid tungkol sa mga kuwentong lumabas matapos na iyon ay magpunta sa LA. Inamin naman niya na may gagawin iyong recording sa US at dadalawin ang isang kapatid. Iyon lang at babalik na rin sa Pilipinas.

Nagsimula naman iyan nang ang kanilang kampo ang naglabas ng isang despedida party mula sa mga kaibigan ni James  at lahat sila ay nagsabing magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay niyon. Actually sa kanila rin nagsimula ang mga kuwento, na tinawag ngang “basura” ng tatay ni James. Ang nakapagtataka ay kung bakit walang reaksiyon kahit na si James sa mga naglabasan sa social media. Iyong pananahimik nila noong una ang dahilan kung bakit may mga naniwala ngang may career moves si James sa LA.

Inamin ng tatay ni James na may gagawin din siyang recording sa LA. Aba napakaraming world class na recording studios sa Pilipinas, bakit kailangang doon pa mag-recording nang walang balak na collaboration? Pero kailangan ngang mag-play pa, paano kung hindi makalusot si James, d’i pagbabalik niya sasabihing kamote siya. Kung sakali naman at makalusot, madaling gumawa ng kuwentong may nakarinig lang at nakakita kay James na naging interesado agad na gawin siyang star. Hindi ba bongga?

Ang tingin namin, playing safe ang tatay ni James, para kung sakali nga namang walang mangyari sa mga inaasahan nilang mangyari, hindi naman magmumukhang tokwa si James sa pagbabalik niya. Talagang kanya-kanyang diskarte lang iyan eh.

Dito kasi sa atin, talagang bumagsak na ang popularidad ni James. Mukhang mali nga ang mga nagsasabi noon na siya ang talagang sikat at nakasabit lang sa kanya si Nadine. Nang maghiwalay sila, pareho na silang nawala. Wala nang nag-alok ng projects sa kanilang dalawa eh. Kung matindi pa iyan na kagaya noong dati, iyong pag-volt out na iyon ni Nadine sa Viva noon, may sasalo agad sa kanila ni James. Pero wala eh, dahil ang tingin ng mga producer, nasagad na silang talaga. At ang medyo masakit, hindi naibangon ng tatay ni James na tumayong manager niya matapos na umalis siya sa Viva, ang kanyang naghihingalo nang career.

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …