Friday , May 27 2022
Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Insomnia

Ngalay at pagod sa biyaheng motorsiklo pinapawi ng Krystall

Dear Sis Fely Guy Ong,

Happy Valentine’s Day po.

Ako po si Cornelio Torres, 58 years old, government employee, naninirahan sa Pandi, Bulacan.

Bagong lipat lang po kami rito sa Pandi, sa isang subdibisyon. Pinili po namin dito dahil malapit na akong magretiro. Napagtapos po namin ni misis ang aming apat na anak. Dalawa sa kanila ay may kanya-kanyang pamilya na rin.

Ang aking trabaho ngayon ay may araw na work from home at may araw na kailangang pumasok sa court. Medyo mahirap po ang mag-commute ngayon kaya madalas sinusundo ako ng aking anak at nagmomotorsiklo kami.

Mahirap magbiyahe sa motorsiklo lalo’t hindi kami makadaan sa highway pero mas mainam na raw iyon kaysa magbiyahe na hindi kilala ang mga pasahero, dahil nga may pandemya pa.

Madalas kapag dumarating ako sa bahay ay ngalay na ngalay ang aking balakang at ang paa ko’y namimitig.

Pero may mabilis na solusyon po riyan si misis. Kapag nakapag-alcohol at nakapaglinis na ako ng katawan, punas lang po ng maligamgam na tubig, pakakainin na niya ako.

Mga 15 minutes after ko kumain, paiinumin niya ako ng Krystall Nature Herbs. Kalahating baso lang po. Tapos palalakarin nang kaunti para bumaba ang aking kinain.

Bago matulog, hahaplusan na niya ako ng Krystall Herbal Oil sa likod lalo sa balakang tapos sa aking mga binti. Hindi ko po namamalayan nakatulog na pala ako.

Malaking bagay po ang nagagawa ng Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil sa buhay naming mag-asawa at ng buong pamilya, kaya kami po’y labis na nagpapasalamat sa inyo, Sis Fely.

Lagi po kayong pagpalain ni Yahweh El Shaddai. Salamat po ulit.

CORNELIO TORRES

Pandi, Bulacan

About Fely Guy Ong

Check Also

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Krystall herbal products

Lunas sa frozen shoulder

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ano po ang …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …