Saturday , May 21 2022
Jun Robles Lana Perci Intalan The Idea First Company

IdeaFirst naglunsad ng kompetisyon para sa playwrights

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGLABAS ng anunsiyo sa social media ang The IdeaFirst Company, na pinamumunuan nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan, para sa paglulunsad ng nationwide competition para sa playwrights at manunulat sa teatro.

Ayon sa social media post ng IdeaFirst, “To ensure that the country’s legacy of dramatic writing will continue, we will be launching THE FILIPINO PLAYWRIGHT’S PRIZE (TFPP), a nationwide competition for full-length and one-act plays in Filipino. The sole winner in the full length category will receive 100,000 pesos while 50,000 pesos will go to the sole winner in the one-act play category.”

Malapit sa puso ni Direk Jun ang playwrights dahil aniya, “I started my career as a playwright under the mentorship of the great Rene O. Villanueva. Theater has always been my first love. It was heartbreaking to see the shutdown of theater productions during the pandemic. Through this annual competition, we want to motivate our playwrights to continue telling stories for the stage as we all look forward to the day when we can all gather together again to watch their creations performed on live theater.” 

Rebelasyon pa ni Direk Jun, naisip na niyang isagawa ang kompetisyon na ito noong magsimula pa lang ang pandemic. Kaya nagpapasalamat siya kina Direk Perci at Elmer Gatchalian na tumulong sa kanya para maisakatuparan ito ngayon.

Bukas ang kompetisyon sa lahat ng Filipino citizens of all ages maliban sa officers at talents ng The IdeaFirst Company.

Magsismula ang pagtanggap ng entries sa May 1, 2022 at magtatapos sa May 16, 2022. Maglalabas din ng detalyadong rules ang IdeaFirst.

Samantala, buo ang suporta ni Direk Perci kay Direk Jun sa inilunsad nitong kompetisyon.

This is a pet project of @junrobleslana that he has been thinking about for a while. Please read why and please support

THE FILIPINO PLAYWRIGHT’S PRIZE (TFPP), a nationwide competition for full-length and one-act plays in Filipino,” tweet ni Direk Perci. 

About Glen Sibonga

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …