Thursday , July 25 2024
arrest, posas, fingerprints

Top 5 MWP, carnapper huli sa Rizal

NASAKOTE ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal, nitong Martes ng umaga, 1 Pebrero 2022.

Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PPO Director, ang naarestong suspek na si Jerry Obinguar, 29 anyos, residente sa M.A. Roxas St., Brgy. Bagumbayan, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Maj. Florante Yu, hepe ng pulisya, dinakip nila ang suspek dakong 12:20 am, kamakalawa, sa kaniyang bahay, sa bisa ng warrant of arrest laban sa suspek na nilagdaan ni Presiding Judge Maria Josefina Goseco ng Morong RTC Branch 79 sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016 na may petsang 3 Disyembre, 2021.

Base sa talaan ng pulisya, si Obinguar ay ikalima sa most wanted sa buong probinsya. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …