Thursday , June 25 2026
Angeline Quinto baby

Angeline Quinto lalaki ang magiging first baby

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

ISINAPUBLIKO na ni Angeline Quinto na lalaki ang magiging first baby niya matapos mag-post sa Instagram kaugnay ng naganap na gender reveal ng kanyang baby.

Ayon sa caption ng IG post ni Angeline, “ITS A BOY!!! Sa wakas ma i-sshare ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby.”

Nagpasalamat siya sa kanyang kaibigang si Vice Ganda na naorganisa ng gender reveal party. “Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party niyo sa akin!”

Hindi na rin makapaghintay si Angeline sa pagsilang ng kanyang baby boy, na itinuturing niyang blessing from God. “Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!”

Bago ito ay naisulat na namin dito sa Hataw na balut at penoy ang pinaglilihian ni Angeline dahil ito ang madalas niyang hanapin para kainin at wala siyang pinipiling oras para kumain nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …