Wednesday , May 25 2022
Wilbert Ross Rose Van Ginkel Jela Cuenca

Wilbert ‘di pa kayang mag-frontal, Pagpapakita ng pwet g na g

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MULA sa pelikulang Crush Kong Curly na nakatambal si AJ Raval na kasalukuyan ng napapanood sa Vivamax, ipalalabas naman ngayong February 18 ang pangalawang pelikula ni Wilbert Ross bilang bida, ang Boy Bastos kasama si Rose Van Ginkel mula sa direksiyon ni Victor Villanueva.

Sa panayam namin kay Wilbert, aniya, hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang role bilang isang binatang mapusok sa sex. Sa movie kasi ay ipinakita ang ginagawa ng isang binatilyong sabik sa sex.

Grabe po Tito. Hindi ko po maayawan kasi ang ganda po ng script. Hindi naman po siya bastos kapag napanood niyo ang movie dahil sexy comedy film naman po siya at magaling si Direk,” aniya.

Coming of age ang tema ng movie kaya naman hindi maiwasang may kailangang ipakita talaga si Wilbert sa anumang bahagi ng kanyang katawan.

” Opo! Ginawa ko na po. Ipinakita ko na po sa ‘Boy Bastos’ ang aking puwet. Hindi lang po isang eksena, kung ano-ano pa,” pag-amin pa nito.

Sa kasalukuyan ay masaya si Wilbert sa kanyang pagiging busy sa paggawa ng pelikula sa Vivamax bilang contract star naman siya ng VAA (Viva Artists Agency).

Sana nga po magtuloy-tuloy lang ang paggawa ko ng movie sa Viva. Para may trabaho,” dagdag pa nitong sagot.

Nang tanungin kung game na rin siya para mag-frontal nudity sa mga future projects niya, knowing Vivamax, “Naku! Hindi poooo! Hindi ko po kaya Tito! Hindiii! ” bungisngis pa nitong pagtatapos.

About Dominic Rea

Check Also

Benz Sangalang

Benz nagtiyaga sa kamote para magka-abs

HARD TALKni Pilar Mateo NAGKABUKINGAN ba ng mga sikreto nila ang mga artistang mapapanood sa …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …