Saturday , May 21 2022
Saklolo ng gobyerno hiniling 200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

Saklolo ng gobyerno hiniling
200 MAGSASAKA BIKTIMA NG MASUNGI GEORESERVE

KALIWA’T KANANG panunutok ng baril, harassment, at pagdukot ang nararanasan ng may 200 residente at magsasaka mula sa mga opisyal at mga tauhan ng Masungi Georeserve sa Sitio San Roque, Brgy. Pinugay, sa bayan ng Baras, lalawigan ng Rizal. 

Ayon kay Jay Sambilay, humihingi ng saklolo ang 200 miyembro ng Sitio San Roque Association at Farmers and Habitants Association kay Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi makataong trato sa kanila ng mga opisyal ng Masungi Georeserve na kinilalang sina Ben Dumaliang, Ann Dumaliang, at Billie Dumaliang, at kanilang mga tauhang armado ng baril. 

Nanawagan ang grupo sa Office of the Mayor ng Baras, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at ahensiya para sa kapaligiran at likas na yaman na imbestigahan ang ilegal na aktibidad at mga panunutok ng baril, pananakot sa mga magsasaka, paggiba ng bahay at pagbakod sa mga daanan ng mga residente sa Masungi. 

Ipinanawagan ng grupo kay DENR Secretary Roy Cimatu ang kuwestiyonableng memorandum of agreement (MOA) na nailabas bago makompirma ng Court of Appeals (CA) ang posisyon ng yumaong si Gina Lopez. 

Sa ngayon, ayon sa mga residente, patago silang nakabalik sa kani-kanilang tahanan sa pagdaan sa masukal na gubat dahil lahat ng daan ay binakuran na ng Masungi Georeserve at may multa umanong P5,000 at pagkakakulong sa mga mahuhuling lumalabag. 

Batay sa dokumentong inilabas ng mga magsasakang miyembro ng asosasyon, taong 2017 nang makakuha ng kuwestiyonableng MOA ang Masungi Georeserve sa katauhan ng pamilya Dumaliang, sa 2,700 ektaryang sakop ang mga nagrereklamong residente, ngunit ayon sa kanila’y dekada 70 pa sila nagsasaka sa nasabing lugar.

Para sa kanila, ito ay ilegal at hindi dumaan sa tamang proseso dahil ang lupang nabanggit ay ancestral domain.

Maituturing umano, na ang ginagawa ng mga opisyal at tauhan ng Masungi Georeserve ay tahasang paglabag sa karapatang pantao, pangangamkam ng lupa, at pandarahas.

Kasabay nito, nagsampa ang mga residente ng kaso laban sa Masungi Georeserve sa katauhan ng pamilya Dumaliang ng mga kasong illegal fencing (roads), harassment, illegal detention, illegal arrest, illegal demolition, physical injuries, alarm and scandal, anti-wire tapping, force evacuation, usurpation of authority, at pagkakalat ng fake news. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

052022 Hataw Frontpage

Exclusive!
PAUL SORIANO BAGONG PALACE EXECUTIVE

ni ROSE NOVENARIO MAISASALBA na ang karerang muntik lumubog ni multi-awarded film director at mister …

051922 Hataw Frontpage

Hirit sa Korte Suprema,
MARCOS, JR., ‘PAG NA-DQ, ROBREDO ILUKLOK NA PANGULO

ni ROSE NOVENARIO SI VICE PRESIDENT Leni Robredo ang dapat iluklok na ika-17 Pangulo ng …

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

ARESTADO ang isang Taiwanese national sa 600 gramo ng ketamine na aabot sa P3,000,000 ang …

The Women Club Nova Villa Tetchie Agbayani Tina Paner

The Woman Club ng Kapitana Media umaarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na onboard ng Emirates at Philippine Airlines ang digi-film na The Women …

Taguig

Sariling eco bags hinikayat sa Taguig mobile market

NANAWAGAN ang local government unit (LGU) sa mga mamimili sa Mobile Market na magdala ng …