Saturday , May 21 2022
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

Donny, proud kay Belle sa success ng concert

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PROUD na proud si Donny Pangilinan sa ka-love team niyang si Belle Mariano dahil sa big success ng first-ever solo concert nito na Daylight na napanood virtually via KTX.ph noong January 29.

Si Donny ang special guest ni Belle sa concert. First time tumugtog ng keyboard sa isang live event si Donny nang kantahin nila ni Belle ang For Your Eyes Only, na theme song ng pelikula nilang Love is Color Blind.

It really means so much na nandito ka,” sabi ni Belle kay Donny pagkatapos ng duet nila.

Ano ka ba? Para sa’yo,” sagot ni Donny. “Actually, I never played the keyboard in an event, live, before. The fact na ‘For Your Eyes Only’ na theme song pa ng first-ever movie natin, it’s such an honor to be here sa concert ni Belle Mariano.”

Sumunod ay inihayag na ni Donny kung gaano siya ka-proud kay Belle hindi lang sa success ng concert kundi pati sa pamamayagpag ng career nito.

Sobrang proud ako sa’yo. Every time I watch your numbers, hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw ito, na ikaw ang gumagawa ng sarili mong concert. I know how long you’ve dreamt of having this opportunity. Just to see you fulfill your dreams right here, it’s just so cool,” ani Donny.

Bukod sa pagiging top trending topic sa Twitter ng BELLErightest DaylightConcert, nag-trending din ang DonBelle.

About Glen Sibonga

Check Also

Moira dela Torre Kathniel

Kumpas ni Moira ginawa para sa KathNiel at sa 2G2BT 

 OPISYAL nang inilabas ni Moira dela Torre ang comeback single niyang Kumpas na nagsisilbing theme song ng bagong ABS-CBN …

KD Estrada Flex

KD Estrada bagong image sa Flex 

TIYAK na marami ang nagulat sa bagong KD Estrada na nakita sa digital video magazine ng Star Magic, …

Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys 2

Gameboys 2 maraming surprises! — Direk Perci Intalan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINIYAK ni Direk Perci Intalan na maraming sorpresang dapat abangan ang fans sa The …

Lunch Out Loud LoL

Marites segment ng LOL nakaaaliw

MA at PAni Rommel Placente NAG-ENJOY kami ng kaibigan at kasama sa panulat na si Melba …

Sharon Cuneta Regine Velasquez

Friendship nina Sharon at Regine bumilang na ng maraming taon

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya kung bakit bumibilang …