Saturday , May 28 2022
Angeline Quinto

Angeline, naglilihi sa Balut at Penoy

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INAMIN ni Angeline Quinto sa kanyang vlog na ngayong buntis siya ay hinahanap niyang kainin ang balut at penoy. At wala siyang pinipiling oras para kainin ang mga ito.

Walang oras ‘yung bigla-bigla kong maiisip na gusto ko ng penoy at saka balut. Gusto ko sa penoy ‘yung medyo basa. Tapos maraming-maraming suka at saka balut. Eh kadalasan ng ganyan, ‘di ba, kinakain natin iyan hapon o ‘pag gabi. So sa akin, walang oras. Minsan parang after ng tanghalian, gusto kong maghanap ng balut,” rebelasyon ni Angeline.

Inihayag niya rin na mahirap pala talagang magbuntis lalo na pagdating sa posisyon sa pagtulog. Madalas nga siyang makaramdam ng back pains dahil dito.

Parang hindi ko na alam kung ano ‘yung magiging posisyon, patagilid ba? Kasi hirap ako sa diretso. Bawal naman akong dumapa. Ang sakit-sakit niyong sa kaliwang balakang. Ang sakit, sobrang sakit,”  aniya.

Iniisip na lang niya na sakripisyo ito para sa kanyang baby, na blessing kung ituring niya.

About Glen Sibonga

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

Abby masaya sa pagwawagi ni Jomari

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng  Parañaque. …