Monday , May 16 2022
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris binuweltahan mga nagpapakalat ng fake news — Sorry buhay pa… it’s not yet goodbye

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TINAWAG ni Kris Aquino na fake news ang mga kumalat na tsismis kamakailan na umano ay kritikal ang kondisyon niya at nasa intensive care unit (ICU) siya. Mayroon pang lumabas na videos sa YouTube na nagsabing pumanaw na siya.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng picture na kuha ni Bimby ng Zoom novena nila ng kanilang mga kamag-anak para sa kanyang namatay na pinsan noong January 21. Kaya maling-mali ang tsismis na si Kris ang namatay.

Ayon sa caption ng IG post ni Kris, “This was taken by bimb last night while we were praying w/ the rest of our Cojuangco cousins & the Teopaco family’s closest friends during the Zoom novena Mass for my cousin Marla who passed away Friday, January 21.

“Bimb wanted to send the pic to his Ninay/ kuya josh’s pretty ninang because he felt so bad that we are unable to be with them during their time of grief… we are strictly adhering to the 14 day CDC recommended quarantine and our final & definitive PCR won’t be until January 26. Kuya because he had moved to 1 of our leased condo units was cleared earlier, on Jan 22.

“@boss1020 is my closest cousin & apart from my Ate, the one who knows all my life’s pain & secrets… the one aware of what my plans are & what my real physical condition is, because she’ll be the one i know who shall be looking after my 2 sons should anything happen to me.”

Kasunod nito ay binuweltahan ni Kris ang mga nagpakalat ng maling balita, na tinawag niyang trolls. Tila excited pa kasi ang mga ito na sumunod si Kris sa yumao nitong kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino na pumanaw noong June 24, 2021.

it’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.

“ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away.”

Sinabi pa ni Kris na patuloy siyang lalaban sa kanyang sakit para sa mga anak niya na kailangan pa siya.

Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga totoong kaibigan.

To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude.

“i have a lot more to say, perfect timing because birthday ng mom ko tomorrow January 25…my nurse has been signaling me, time for my meds, time for my shots (bad urticaria flare now) and lights out soon. Good night but definitely it’s not yet goodbye.”

About Glen Sibonga

Check Also

Aiko Melendez Marthena Melendez Jickain

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng …

Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na …

Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PAni Rommel Placente ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang …

Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica? Tinanong ko si …

Robin Padilla Kylie Padilla

Kylie ipinagmalaki si Robin — Parte ng pagkatao niya ang tumulong

HARD TALKni Pilar Mateo OO na! Kahit ano pa ang gawin at sabihin natin, milya-milya …