Saturday , April 20 2024
Perci Intalan Gameboys The Movie

Direk Perci nanghihinayang screening ng Gameboys The Movie sa Japan ‘di mapupuntahan

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINAYANG na hinayang si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, producer ng hit film na Gameboys The Movie dahil hindi siya makapupunta sa Japan para masaksihan ang international screening at theatrical release roon ng nasabing pelikula sa January 21.

Iyan nga ang inihayag ni Direk Perci sa kanyang tweet. Pero natutuwa pa rin siya at hindi makapaniwala na maipalalabas sa Japan ang Gameboys The Movie. 

Ayon sa tweet ni Direk Perci, “Still can’t believe this is happening. And still can’t believe we are missing the chance to a) travel to Japan and b) be in a cinema (in Japan) to watch Gameboys. Argh covid.”

Naging malaking tagumpay ang online streaming via KTX at Ticket2Me ng Gameboys The Movie noong isang taon dito sa Pilipinas. Naging international co-producers ng The IdeaFirst Company ang Japan-based companies na 108JAPAN Co., Ltd, Aeon Entertainment Co., Ltd. and Hakuhodo DY music & pictures Inc. Kaya proud si Direk Perci na may theatrical release na ito sa Japan sa January 21.

Mula sa pagiging sikat na Pinoy BL series sa YouTube nagtuloy ito sa pelikula. Kaya inaabangan na rin ng Gameboys fans ang Season 2 ng series sa YouTube.

Directed by Ivan Andrew Payawal, ang Gameboys The Movie ay pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos kasama sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto

About Glen Sibonga

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Marco Gallo Heaven Peralejo Marven

MarVen nagsabog ng sweetness sa mediaconmmute 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILANGGAM tiyak ang bus na sinakyan namin noong Miyerkoles ng …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …