Tuesday , March 21 2023
Sue Ramirez

Sue Ramirez, hindi takot ma-bash dahil sa role na kabit

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINDI natatakot si Sue Ramirez kung sakaling iba-bash siya ng mga tao dahil sa kanyang role na isang kabit sa upcoming Kapamilya teleseryeng The Broken Marriage Vow.

Gagampanan ni Sue ang role ni Lexy Lucero na magiging kabit ni David Ilustre (Zanjoe Marudo) at karibal ng totoong asawa na si Dr. Jill Ilustre (Jodi Sta. Maria).

Hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao. At least, na-appreciate nila ’yung ginawa ko roon sa character. Alam ko naman na ‘pag binash nila ako, bina-bash siguro nila si Lexy. Pero hindi si Sue,” sabi ng aktres.

Handa siyang tanggapin lahat ng pamba-bash at panggigigil ng mga tao sa character niya.

Tatanggapin ko po lahat. Hindi po ako para pigilan sila sa nararamdamang gigil nila sa mga character na gagampanan namin sa ‘The Broken Marriage Vow.’ Go, guys. Sasali pa kong mam-bash,” biro ni Sue. 

Pinaghandaang mabuti ni Sue ang pagganap sa role niya dahil magkaibang-magkaiba sila ng personalidad.

Iba kami maglakad, iba kami mag-isip, iba kami magsalita. So, talagang malaking-malaki ’yung adjustment na kailangan kong gawin,” ani Sue.

About Glen Sibonga

Check Also

Ashley Ortega Xian Lim

Ashley Ortega mainit na tinanggap ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales MASASAKSIHAN  na sa wakas ang paglabas ni Sparkle artist Ashley Ortega bilang si Ponggay sa first-ever …

Camille Prats Boy Abunda

Camile masaya pa rin ang childhood kahit maagang napasok sa showbiz

BAGAMAT maagang napasok sa showbiz si Camille Prats hindi naman siya pinagkaitan ng msayang kabataan. Ito ang …

Dirty Linen

Dirty Linen may 1 Bilyong online views na 

SIMULA nang umere ang Dirty Linen ng Kapamilya na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin pinag-uusapan na. Kaya …

Ruru Madrid Bianca Umali Mikee Quintos Paul Salas

Bianca at Ruru may tensiyon sa bagong serye

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang mediacon ng The Write One nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Idinaos ito sa …

Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller ‘nakipagkainan’ kay Nika Madrid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI nagdalawang isip ang sexy actress na si Krista Miller na aminin na …