Monday , May 16 2022
Morissette Amon Dave Lamar

Morissette, ibinahagi ang naranasan nila ng fiance nang magka-COVID

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

IBINAHAGI sa Instagram ng Asia’s Phoenix na si Morissette Amon ang pinagdaanan nila ng fiance niyang si Dave Lamar nang magpositibo sila pareho sa COVID-19. Pero may iba pang health condition na ininda rin ang singer kaya siya tuluyang na-confine sa ospital.

Ayon sa IG post ni Morissette, “for the past week, I was confined in the hospital since Sunday evening. both @davejlamar and I tested positive for Covid with mild flu-like symptoms, but I was admitted due to an issue in my colon called Diverticulitis. I had to take several IV medications which unfortunately triggered my super bad headaches then lead to vomiting.. I couldn’t even eat ’cause I’d just throw it all up.”

Nakalabas na si Morissette sa ospital at pinayagan nang magpagaling sa bahay. “this weekend, I was finally discharged with lots of meds to take with and take note but grateful that I’m allowed to continue my quarantine and healing at home.”

Lubos naman ang pasasalamat niya kay Dave na sinamahan siya at nag-stay sa ospital para alagaan siya kahit pa nauna na itong na-discharge. “thank God for DJ who was discharged earlier but stayed in the hospital room with me to keep me company, we would just play Pinoy Henyo (’cause it somewhat didn’t require me using a phone that also triggered my migraines) to pass the time.”

Patuloy pang nagpapagaling si Morissette. Nagpapasalamat din siya sa mga tumulong sa kanya at ipinagdasal ang kanyang paggaling. “I’m still on the road to recovery but feeling a whole lot better now. thanks to my Titos @audiegemora @davidgesmundocosico @butchgjimenez @daffydocmo for helping us out during this whole process, and everyone for sending in their prayers!”

About Glen Sibonga

Check Also

Aiko Melendez Marthena Melendez Jickain

Aiko Melendez, perfect example ng isang tunay na public servant

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG araw matapos maiproklama bilang Konsehal ng 5th District ng …

Mahal

Fans ni Mahal nakasuporta pa rin kahit wala na ang komedyante

MA at PAni Rommel Placente AMINADO si Luy, bunsong kapatid ng namayapang komedyana na si Mahal, na …

Aiko Melendez Oplan Baklas

Oplan Baklas ni Konsi Aiko kapuri-puri

MA at PAni Rommel Placente ISA si Aiko Melendez sa pinalad na manalo sa nagdaang eleksiyon bilang …

Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur kay Robin — He deserves to be number one, he has a heart

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT about the (ex?) son-in-law na si Aljur Abrenica? Tinanong ko si …

Robin Padilla Kylie Padilla

Kylie ipinagmalaki si Robin — Parte ng pagkatao niya ang tumulong

HARD TALKni Pilar Mateo OO na! Kahit ano pa ang gawin at sabihin natin, milya-milya …