Saturday , July 27 2024
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, inuubo at sinisipon.

Marami ang nagtanong sa inyong lingkod, iyon na ba ang Omicron?!

Kaya naman sinikap nating makatulong. Lahat ng mga lumapit ay pinag-aralan natin ang sintomas. Hindi naman bumaba ang kanilang oxygen level. Hindi nawalan ng pang-amoy at panlasa. Nakakain, nakaiihi at nakadudumi. Higit sa lahat nakagagalaw pa rin sila patungo sa comfort room para linisin ang kanilang mga sarili.

Sa huli, naniniwala tayo na ang kaso ng mga ubo, sipon, at lagnat ay ordinaryong kaso ng flu tuwing dumarating ang ganitong panahon.

Ang isa sa unang payo natin, kapag may lagnat, magpunas ng tubig na may suka sa katawan, lalo sa leeg, kili-kili, at singit, hanggang bumaba ang lagnat.

O kaya ay maghaplos ng Krystall Herbal Oil sa likod, sa tiyan, sa mga braso, paulit-ulit hanggang humupa ang lagnat.

Maaari rin uminom ng mainit na Krystall Nature Herbs upang lubusang sumingaw ang init sa katawan hanggang humupa ang lagnat.

Laging tandaan, ang anomang karamdaman ay dapat harapin nang buo ang pag-unawa at pagdedesiyson upang matugunan ang kinakaharap na karamdaman.

Omicron man ‘yan, Delta o kahit anong variant ng CoVid-19, ang importante ay alerto.

Keep safe everyone.

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

About Fely Guy Ong

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …