Thursday , June 4 2026
Toni Gonzaga Alex Gonzaga

Alex tinutukan ni toni nang makunan

REALITY BITES
Dominic Rea

SA virtual mediacon ng pelikulang The Exorsis na ipalalabas na sa December 25 bilang Metro Manila Film Festival official entry, pansin naming medyo tumaba si Alex Gonzaga. Halatang ‘yung dati niyang flat na dibdib, aba’y bumubulwa ito ngayon at lalo siyang gumanda.

As usual, kalog na kalog pa rin si Alex sa pagsagot sa mga ibinatong tanong ng press. Tinanong namin sila kung ‘yung pagiging Exorsis nila o Sissies ay nag-exist noong panahong siya ay nakunan at nagdadalamhati. 

Agad naman itong sinagot ni Alex na kahit hindi niya man naramdaman physically ang kanyang Ate Toni (Gonzaga) that time dahil may sariling family na rin ito at hindi na nakatira sa kanila ay ramdam niya pa rin ang pagmamahal sa kanya.  Maya’t maya raw siyang mini-message at tinatawagan.

Aniya, ramdam niya rin ang presensiya ng Soriano family noong panahong ‘yun at ipinagpapasalamat niya ito.

Bongga ang Sissies forever! Panoorin natin ang pelikulang ito dahil matatakot tayo, matatawa, at maiiyak. ‘Yun na! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …