Friday , February 3 2023
Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!
ni Ed de Leon

MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy sa ating mga male star sa ngayon. Kung sa bagay hindi lang naman ngayon, noon pa mang una ang sinasabi nila, si Derrick ay isang “beki magnet” at lalo na nga ngayon dahil sinasabi nilang nag-folow ang international singer at dating Menudo member na si Ricky Martin sa social media account ng aktor. Si Ricky ay umaming beki siya noon pang 2010, at nagpakasal pa nga sa kanyang asawa na ngayong Syrian-Swedish painter na si Jwan Yosef.

Palagay namin, hindi lang si Ricky Martin, pero marami pang mga beki personalities, local man at international na nagfo-follow din kay Derrick, pero unfair na turingan siyang “beki magnet” dahil kung titingnan mo naman mas marami siyang followers na mga tunay na babae.

At saka ganoon na lang ba? Kailangan naman siguro sa panahong ito ay bigyan na nila si Derrick ng mas malaking break, kung hindi man sa pelikula ay sa telebisyon. Mukhang mas nauna pa siyang napuna ng mga international celebrities kaysa mga boss sa network niya.

About Ed de Leon

Check Also

Maria Susana Va Ople Blas Ople

Sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas
Department of Migrant Workers dadalo

Kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan si Sec. Maria Susana V. Ople ng Department of …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 DRUG TRADER, 5 WANTED SWAK SA KALABOSO

NASAKOTE sa pinaigting pang operasyon ng pulisya nitong Martes, 31 Enero ang limang pinaniniwalaang mangangalakal …

arrest posas

Wanted manyakis nasakote sa Bocaue

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong …

Paolo Ballesteros

Paolo Ballesteros aliw ang pagtanggap ng award

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAAALIW si Paolo Ballesteros nang dumalo sa 35 PMPC Star Awards for TV para personal …

Paolo Contis Mother

Paolo Contis grabe ang iyak nang banggitin ang wish sa ina

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAIYAK naman ako habang pinanonood ang one on one interview ni Boy …