Monday , August 8 2022
James Reid

James babalik ang kasikatan ‘pag nagpa-sexy

HATAWAN!
ni Ed de Leon

HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan mahahalata mong tumaba siya at lumaki pati na ang mukha, ngayon ay nagbalik na ang dati niyang porma na kitang-kita roon sa video niya sa Boracay na naglalakad siya nang nakatapis lang ng tuwalya.

Kinabukasan ang lumabas naman ay picture niyang kahit na may polo, wala namang pants at naka-briefs lang. Mukhang nagbabalak na nga siyang mag-come back at desidido siyang kung nagpa-sexy noong araw, gagawin pa niyang mas matindi ngayon. Palagay namin kung ganyan ay baka makuha niya ulit ang suporta ng publiko. Alalahanin ninyo, noong una siya ang kalaban ni Daniel Padilla, at ang advantage niya puwede nga siyang magpa-sexy. Mukhang ngayon uulitin niya ang dating formula na nagpasikat sa kanya.

Kung may magtitiwala lang ulit kay James na susugal ng puhunan sa kanya, at may magha-handle sa kanyang matino at susundin niya, palagay namin makababalik iyan.

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …

Mikee Quintos Lianne Valentin

Mikee natatalbugan ng kontrabida

COOL JOE!ni Joe Barrameda Kung sa seryeng Lolong ay marami ang sumusubaybay sa Primetime ng GMA, ang Apoy Sa …

Rob Guinto Purificacion

Rob Guinto ‘di lang paghuhubad na-challenge rin sa Purificacion

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Rob Guinto sa tampok sa pelikulang Purificacion na …

Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja at Joey pinuri ng Oh My Korona director

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga EXCITED na ang director ng Oh My Korona na si Ricky Victoria dahil mapapanood na …