Saturday , December 3 2022
Heber Bartolome

Iconic singer/songwriter Heber Bartolome pumanaw na sa edad 73

HATAWAN
ni Ed de Leon

KINOMPIRMA ng kanyang kapatid na si Jessie, na yumao na nga ang iconic singer songwriter na si Heber Bartolome noong Lunes ng gabi, Nobyembre 15. Si Heber ay 73 years old na. Sa kuwento ng kanyang kapatid, tinawagan daw siya at sinabing isusugod nga si Heber sa ospital dahil nawalan ng pulso. At matapos lang daw ang 15 minutes ay nakatanggap ulit siya ng tawag na wala na nga si Heber.

Inatake raw si Herber, at ang suspetsa niya iyon ay dahil na rin sa dati ng sakit niyon na prostate cancer. Hindi pa rin maliwanag kay Jessie ang mga nangyari hindi pa rin niya masabi kung saan ibuburol si Heber, pero tiniyak niyang magkakaroon ng burol iyon dahil ang ikinamatay naman ay hindi Covid, at sa ngayon naman sa ilalim ng alert level 2, pinapayagan na ang lamayan. Naniniwala si Jessie na hindi maaaring hindi dahil napakaraming fans ni Heber na tiyak na gustong magbigay galang sa kanyang pagyao.

Si Heber at ang kanyang itinatag na rock band, iyong Banyuhay, at maraming ginawang mga hit song at itinuring nga ang aktibistang singer na isang icon ng music industry sa ating bansa.

About Ed de Leon

Check Also

Ang Kwento ni Makoy

Buboy Villar at Bella Thompson magpapakilig sa Ang Kwento ni Makoy

ISANG natatanging pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula Disyembre 7 ang magpapakilala sa bagong loveteam …

Sanya Lopez Maegan Aguilar

Sanya pinag-aralang mabuti si Maegan

RATED Rni Rommel Gonzales MABIGAT ang papel ni Sanya Lopez sa Magpakailanman sa Sabado dahil matindi ang kuwento ni Maegan …

Myrtle Sarrosa

Myrtle dagsa ang trabaho dahil sa gaming

RATED Rni Rommel Gonzales “GRABE! Napakaraming opportunities na nagbukas para sa akin dahil sa gaming,” umpisang …

Bong Revilla Jr Youtube Silver Play Button

Silver Play Button sa YT natanggap na
BONG MAMIMIGAY NG P1-M, 2 KOTSE, 5 MOTOR

NATANGGAP na ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ang YouTube SILVER PLAY BUTTON dahil sa dami …

Bong Revilla Jr Bayanihan

Bong tuloy-tuloy ang bayanihan

HALOS hindi na nagpapahinga si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. dahil sa sunod-sunod na dagok ang dumating …