Monday , September 25 2023
Blind Item, Aktor magandang bakla, Mystery Man Gay

Aktor magandang bakla

HATAWAN
ni Ed de Leon

 “TALAGA namang maganda siyang bakla kahit na noong araw,” kuwento sa amin ng isang dating kaibigan ng isang gay male star ngayon, na siyempre ayaw magladlad. Ipinakita sa amin ang isang maikling video na nagsasayaw ang male star na ang suot ay ”short shorts,” at may ribbon pa sa ulo, at totoo naman ang sinabi niya. Magandang bakla nga ang male star.

Pero ang male star, natural ayaw nang umamin sa ngayon na siya ay may mahabang kapa. Ayaw na rin niyang aminin ang kanyang mga naging love affair noong hindi pa siya sikat, at bagets pa siya. Siyempre, nagkakaroon na ng pangalan eh, aaminin ba niyang bading siya at papayag siyang masira ang image niya ngayon?

Para sa artista kasi, mahalaga ang kanyang image, at lahat ay gagawin niya para bigyan iyon ng proteksiyon. Isa pa, iyong pagiging bading niya ay personal naman iyon. Basta ba nagagampanan niya ang role ng lalaki eh, ano ba ang problema niyon.

Hindi naman siya nagde-deny, pero sinasabi nga niya wala naman siyang inistorbong ibang tao, at ano nga ba ang pakialam ng ibang tao kung bakla man siya o hindi?

Dapat kanya-kanya na lang. Hayaan na lang natin siya kung ano ang hilig niya. Buhay naman niya iyon eh.

About Ed de Leon

Check Also

Moira dela Torre

Moira nag-i-speech, nagiging senti ‘pag nalalasing 

MATABILni John Fontanilla HINDI mahilig uminom ng alak si Moira Dela Torre dahil mabilis siyang malasing. Pero …

Piolo Pascual Mallari

Piolo hataw sa shooting ng Mallari

HARD TALKni Pilar Mateo IN full swing na ang paghataw ng shoot ng comeback movie …

Erika Joy Reyes Mrs Philippines Muntinlupa

Mrs Philippines Muntinlupa itinanghal na Darling of the Press

MATABILni John Fontanilla ITINANGHAL na Darling of the Press sa kauna-unahang edisyon ng Mrs Philippines 2023 ang …

Vice Ganda Ferdinand Topacio

Topacio inokray mga pelikula ni Vice Ganda: walang katuturan

MATABILni John Fontanilla MATAPANG na sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na  walang  katuturan ang mga pelikulang ginagawa …

Jak Roberto

Jak muntik magoyo ng isang kaibigan sa negosyo

RATED Rni Rommel Gonzales Ang The Missing Husband ay kuwento tungkol sa mga biktima ng money scam …