Tuesday , February 7 2023

Aljur binanatan ng pinsan ni Kylie (ginutom daw at hiniram pa ang pera ng asawa)

“PLEASE pass the divorce law,” iyan ang naging sagot ni Kylie Padilla sa expose ni Aljur Abrenica na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay dahil una siyang tinorotot ng kanyang asawa. Bukod doon hinamon pa niya si Kylie sa kanyang statement na,“aminin mo kung sino ang kasama mo ngayon.”

Dahil iyon ay lumabas sa sarili niyang post, at sa isang confirmed account sa social media, ibig sabihin talagang inilabas iyon ni Aljur on his own. Walang makapagsasabing pumilit sa kanya. Hindi rin masasabing inudyukan siya ng media, dahil hindi naman sa lehitimong media lumabas iyon kundi sa social media account niya.

Pero hindi man magsalita si Kylie, may sumasagot naman na nagmamalasakit sa kanya, isa na nga riyan ang kanyang pinsang si Princess Paulino, na inisa-isa ang mga kaso ni Aljur.

Matindi ang kanyang akusasyon na hindi iniwan ni Kylie si Aljur kahit may panahong ni wala siyang maipakain sa kanyang pamilya. Inakusahan din ni Princess si Aljur na hiniram ang pera ni Kylie, na malaking halaga rin at hindi naman niya naibalik hanggang sa ngayon. May sinabi pa siyang ilang ulit na nambabae si Aljur at lahat ng iyon ay pinagtiisan lamang ni Kylie. Kaya galit na galit si Princess sa sinasabi ni Aljur ngayon na una siyang tinorotot ni Kylie.

Iginigiit ni Princess kay Aljur, “linawin mo ang sinasabi mo.”

“Kasalanan ba ni Kylie kung nakikita ka kung saan-saan kasama ang babae mo kaya kayo naba-bash?” sabi pa niya. Ang punto roon, nagsimulang ma-bash si Aljur at ang syota niya ngayong si AJ Raval simula nang makunan sila ng video ng mga Marites na magkasamang nagsa-shopping sa Pampanga. May picture pa si Aljur na naka-pose sa
mismong gate ng bahay nina AJ sa Pampanga. Iyon ay sa kabila ng mga lumalabas na pra la la na si Aljur, kasama pa ang mga anak nila ni Kylie kung minsan, ay nasa kanyang nabiling resort sa Batangas. Pero huwag ninyong kalimutan na si Aljur ay lumaki, nag-aral, at marami ring kaibigan sa Angeles, Pampanga kung saan naman siya nagmula noong sumali sa Starstruck.

Walang sinabi si Kylie sa mga pahayag ni Princess. Maliwanag lamang na sa ngayon gusto na niyang tapusin sa pamamagitan ng pamamaraang legal kung ano mang kaugnayan mayroon siya kay Aljur.

Pero ang expose ng pinsan ni Kylie ay nagbigay ng kompirmasyon sa mga tsismis na isa ang pera sa naging ugat ng hiwalayan nina Kylie at Aljur. Dumating naman talaga ang panahon na halos walang hanapbuhay si Aljur dahil hindi na rin naman siya nabigyan ng maraming proyekto ng GMA matapos niyang idemanda, kahit na nga tinapos pa niya ang kontrata niya sa kanila. Matapos ba naman niyang sabihin na puro walang kuwentang projects ang ipinagawa sa kanya, aasahan pa ba niyang may ipagagawa pa sa kanya?

Noong lumipat naman siya sa ABS-CBN, hindi rin naman siya nagkaroon ng maraming proyekto. Mukhang hindi rin siya nakalusot sa mga decision makers ng network, na taliwas sa sinabi ng mga kumumbinsi sa kanya noong una na kung lilipat siya sa Kapamilya ay mas sisikat siya. Kaya nga siguro noong ipasara ang ABS-CBN, hindi rin siya nakitaan ng effort na ipaglaban ang network dahil desmayado rin siya sa nangyari sa kanya. Hindi kasi niya inisip na mas maraming malalaking leading men kaysa kanya sa ABS-CBN kaysa inalisan niyang GMA.

Gumawa pa siya ng indie na hanggang ngayon naman yata ay hindi pa naipalalabas. Mabuti at naipasok siya maski na sa mga internet movies ng Viva. Kailangan din niyang isipin na nagkaka-edad na siya at may mga nakapasok nang bagong henerasyon na mga leading men na siyang nakakuha na ng atensiyon ng publiko.

Ngayon, napasa naman ang bola kay Aljur. Kung noong isang araw ang pilit na pinasasagot ng publiko ay si Kylie, laban sa kanyang akusasyon na tinorotot siya ng kanyang asawa kaya niya hiniwalayan. Ngayon naman sya ang dapat sumagot na may panahong halos gutumin niya ang kanyang pamilya at inutang pa ang malaking halaga ng salapi ng kanyang asawa na hindi naman niya naisauli kahit na naghiwalay na sila.

Napakabigat ang akusasyong binitiwan ng pinsan ni Kylie, pero walang dudang marami iyong nalalaman sa buhay ng kanyang pinsan na ni ang mga magulang niyon ay hindi alam. Si Robin Padilla kasi ay mas naka-focus sa asawang si Mariel at sa dalawa nilang anak. Ang ermat naman ni Kylie na si Liezl Sicangco ay may pamilya na ring sarili sa Australia at hindi na rin halos nakikialam sa kanila.

About Ed de Leon

Check Also

LA Santos

LA Santos kinilig nang manalo sa 35th PMPC Star Awards for Television

MATABILni John Fontanilla GRABE ang kilig ni LA Santos nang magwagi bilang Best New Male TV Personality …

Bela Padilla Marco Gumabao Spellbound

Bella, Marco parehong mahusay sa Spellbound

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang  Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na Spellbound na siyang magiging pre-Valentine …

Robin Padilla Kylie Padilla Gabby Garcia Gina Pareño

Robin wish ni Kylie na mag-guest sa Mga Lihim ni Urduja

COOL JOE!ni Joe Barrameda PUSPUSAN ang taping ng Mga Lihim Ni Urduja na siyang papalit sa Maria Clara …

David Licauco

David Licauco sinuwerte sa Maria Clara at Ibarra

COOL JOE!ni Joe Barrameda SA bagong yugto ng Maria Clara at Ibarra ay napakaganda ng Pastor nila …

LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!ni Joe Barrameda TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy …