Friday , January 27 2023
Desiree del Valle, Boom Labrusca, Alexander Sebastian Dunham Labrusca, Tony Labrusca

Desiree del Valle nanganak na, Tony Labrusca may bagong kapatid

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY kapatid na ulit si Tony Labrusca. Ang dating aktres na si Desiree del Valle ay nanganak noong October 4, 2:14 p.m., na batay sa suot nilang PPE ay sa St.Lukes’ Hospital, ng isang sanggol na lalaki na tinawag nilang Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Si Desiree ay pinakaslan ni Boom Labrusca noon pang 2018,
kaya nga may kapatid na si Tony.

Wala namang naging problema sa panganganak si Desiree, at malusog naman ang baby nila ni Boom. Pero kagaya ng ibang pasyente rin sa ospital, gusto ring umuwi agad ni Desiree, dahil alam naman ninyo, mas delikado ngayon sa mga ospital dahil sa Covid. Iyan naman kasing Covid eh, may bakuna nga hindi mo naman alam kung tumatalab o hindi. Kahit bakunado ka tatablan ka pa rin eh. Eh wala naming solusyon ang gobyerno kundi quarantine. Isipin ninyo, magdadalawang taon na tayong quarantine. Puwede na ngang title ng indie, Ang
Pinakamahabang Quarantine sa Balat ng Lupa
.

About Ed de Leon

Check Also

Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

Rosanna Roces naluma sa tapang maghubad nina Nika Madrid at Emelyn Cruz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin ang Mang Kanor na pinagbibidahan ni Rez Cortez. Naloka kami dahil parang porno …

Hello, Universe

Hello, Universe! ni Janno wholesome at pwede sa mga bata

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAPANOOD kami ng premiere showing ng Hello, Universe! na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Anjo …

Alden Richards Boy Abunda

Alden madalas mag-share ng blessings kaya sinusuwerte

COOL JOE!ni Joe Barrameda HATS off kami kay Alden Richards sa mga isiniwalat niya nang mag-guest sa …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, Zyren dela Cruz MPK

MPK sa Sabado nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAKIKILABOT ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology …