Monday , August 15 2022
blind mystery man

Male Starlet matiyagang makipag-friend para maka-utang

NAPAKA-GENTLEMAN  ni Male Starlet. Kahit na sino ang mag-friend request sa kanya, tinatanggap niya. Matiyaga rin siya kung makipag-chat.

Pero kung inaakala niyang palagay na ang loob sa kanya, ”hihingi na siya ng favor.” Mangungutang na siya ng P3,500 sa simula, na sasabihin niyang babayaran niya after a week. Sasabihin niyang ipadadala na lang sa GCash ng pinsan niya.

Kung hindi mo siya sisingilin, susubukan niyang umutang na muli nang mas malaki. At malakas ang loob niyang makipag-video call para patunayang siya nga iyon. Basta nakahalata ka sa modus niya o kaya ay naningil ka na, iba-block ka na niya.

Talaga nga sigurong mahirap ang buhay sa ngayon, at wala nga halos raket lalo na kung mga starlet lamang. Hindi gaya noong araw na kung P2K-P3K lamang ay madali nilang kitain sa mga mall show o sa mga show sa probinsiya. Eh ngayon pandemic, wala lahat iyan.

Pero hindi excuse iyong wala kang raket para manloko ka ng kapwa mo. 

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …