Sunday , October 2 2022

Mga pelikula ni Ate Vi nagbabanggaan

EWAN nga ba kung bakit ilang linggo nang sunod-sunod na ipinalalabas sa cable channels ang mga dating pelikula ni Congresswoman Vilma Santos. Ipinagmamalaki pa nila na ang ilang pelikula ay “digitally enhanced.” Mapapansin mo naman na maganda ang kulay at malinaw nga at mukhang bagong pelikula. Wala iyong mga karaniwang gasgas na makikita mo sa lumang pelikula. Ok din pati ang sound.

Ang reklamo nga lang ng ilang fans ni Ate Vi, minsan magkatapat ang schedule ng dalawang pelikula ng star for all seasons, kaya napapanood nila ang isa, at nami-miss naman ang iba. Bakit nga ba kailangang magsabay ang mga pelikula ng isang artista?

Iyan kasing cable, hindi kagaya ng mga sinehan na alam mo kung ano ang ipalalabas na kasunod, naiiwasan ang pagkakasabay. Pero may panahon noong araw na sunod-sunod nga ang gawa ng pelikula ni Ate Vi, hindi naman nagkakasabay ng playdate dahil nagbibigayan din ang mga producer, pero minsan-nag-aabot pa rin ang dalawang pelikula.

Eh ‘di lalo na nga iyang cable, magkakaiba kasi ang programmer ng mga cable channels, at hindi naman nila alam kung ano ang makakasabay ng pelikulang naka-program sa kanila. May pagkakataon din namang sinasadya iyon. Halimbawa nalaman ng programmer na ang ilalabas sa kabilang channel ay pelikula ni Ate Vi, at nagkataong wala siyang hawak na malaking pelikula na puwedeng ibangga sa Vilma Santos starrer, aba eh maglalabas na rin siya ano man ang available na pelikula ni Ate Vi para hindi naman sila magmukhang kawawa s audience share.

Iyang mga cable channels kasi, may mga commercial na rin at mahalaga na rin iyong hindi sila naiiwan sa audience share para may pumasok na mga commercial.

May isang programmer na umamin sa amin, mahirap mo raw pabayaan ang pelikula ni Ate Vi. Kailangan matapatan mo iyon ng isang malaking pelikula, kung hindi nga, isang Vilma Santos starrer din kahit na gaano pa kaluma, dahil kung hindi magmumukha kang kawawa. Ganoon pala iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply