Wednesday , September 18 2024

Yorme nakatatak pa rin ang pagiging artista

NAPANSIN namin, artistang-artista pa rin ang dating ni Yorme Isko Moreno sa mga tao, dahil kahit na alam naman nila na wala nang That’s Entertainment, at tapos na ang panahong gumagawa pa siya ng pelikulang kasama si Claudine Barretto, ang sinasabi pa rin ng mga tao, ”ang pogi ni Yorme.”

Mayroon pa yatang nagpapirma sa kanya ng autograph, at ok naman si Yorme. Hindi naman niya maiiwasan iyon dahil kinikilala pa rin siyang artista.

Si Yorme ay naroroon nang magdiwang ng misa mayor sa kapistahan ng Mahal na Birhen, Ina ng Walang Mag-ampon sa Santa Ana, Maynila, na sinabayan din ng deklarasyon ng Kapulungan ng mga Obispo na iyon ay pambansang dambana ng Mahal na Birhen. Ang simbahan ng Sta.Ana ang kauna-unahang simbahan sa labas ng Intramuros, at noon ay nakasasakop sa halos kalahati ng ngayon ay Lunsod ng Maynila, kabilang pa ang Makati, Mandaluyong, at ang  San Francisco del Monte na ngayon ay bahagi na ng Quezon City.

Dahil si Yorme nga ang punong lunsod ng Maynila, siya ang binigyang karangalan na maglagay ng “baston de mando” o sagisag ng kapangyarihan dahil ang Birhen ay tinatawag ding “gobernadora ng Maynila,” dahil nga sa paghahandog sa kanya ng mismong “baston de mando” ng noon ay Governor General sa Pilipinas na si Francisco dela Cuesta. Iyong orihinal na “baston de mando” ang siyang inilagay ni Yorme sa kamay ng birhen.

Bihira ang ganyang pangyayari, dahil hindi lahat ng oras ay ang orihinal na baston de mando ang nakalagay sa birhen sa pag-iingat na rin na baka manakaw pa iyon. Gawa iyon sa ginto at maraming mga mamahaling bato.

May nagsasabing iyon naman ay nangyari bilang pagkilala na rin kay Yorme dahil sa mga ginawa niya sa bayan ng Santa Ana. Nasa Santa Ana ngayon ang pinakamalaki, at pinakamakabagong ospital sa ilalim ng pamamahala ng lunsod.

Hindi rin naman maikakaila na napaganda ang kapaligiran ng Santa Ana dahil sa mga initiative ni Yorme at saka kilala naman siyang malapit din sa simbahan.

Natuwa naman kami nang makita namin sa simbahan si Yorme, isa pa madalas din kami sa simbahang iyon kung saan kami nabinyagan, at dahil din sa aming personal na debosyon sa Mahal na Birhen.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Hyacinth Callado Bab Lagman

Hyacinth feeling safe kapag kasama si Gab

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sina Heaven Peralejo at Marco Gallo ay may something romantic na, wala bang level …

Judy Ann Santos

Judy Ann nae-enjoy mag-relax, tumanggap ng kung anong kaya at gustong project

RATED Rni Rommel Gonzales ENJOY si Judy Ann Santos sa muli niyang pagsabak sa paggawa ng pelikula. …

Louise delos Reyes

Louise matagumpay na pastry chef

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG Pastry Chef na pala si Louise delos Reyes ng Viva International Food …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde

Arjo nilinaw pagtakbo ng ina sa 2025 election

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT ni Cong Arjo Atayde na hindi tatakbong kongresista ang kanyang inang …

Sylvia Sanchez Rita Atayde Zanjoe Marudo Art Atayde

Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *