Saturday , October 1 2022

Kabag sa tiyan inilabas agad sa bisa at galing ng Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs  

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Ako po si Maria Lourdes Serrano, 54 years old, taga-Nasugbu, Batangas.

        Dayo lang po ang pamilya ko rito sa Nasugbu, Batangas. Nauna po rito ang pamilya ng asawa ko bilang mga sakada.

Ako naman po ay nag-istokwa sa amin dahil gusto ko pong makapagtapos sa pag-aaral. Ayaw po akong paaralin ng aking mga magulang dahil sa kasabihan na ang babae ay mag-aasawa lang.

Kaya simula po noong 1986, dito na ako nakatira sa Nasugbu. Dito na po ako nagkaasawa at dito na rin kami nanirahan at nagpamilya. Nagkaroon po kami ng apat na anak.

Nito pong mga nakaraang araw, napakasama ng kabag na nararamdaman ko sa aking tiyan. Matigas po ang aking tiyan.

Agad ko pong naisip ‘yung turo ninyo noon na ihaplos ang Krystall Herbal Oil sa sikmura at sa tiyan sa loob ng 15 minuto hanggang lumambot ang pakiramdam ng tiyan.

Kasunod po nito, uminom ako ng Krystall Nature Herbs. At kumuha ng bulak na binasa ng oil saka inilagay ko sa aking pusod.

Naku Sis Fely, wala pang 15 minutos, talaga namang umutot nang umutot ako at naramdaman ko nawala ang paninigas sa aking sikmura at sa tiyan.

Ako po’y tuwang-tuwa at agad nanalangin kay Yahweh EL Shaddai.       

Lubos na nagpapasalamat.

MARIA LOURDES SERRANO,

Nasugbu, Batangas

 

               

 

 

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Piolo Pascual Zeinab Harake Rhea Tan

Piolo handang maka-collab si Zeinab

G si Piolo Pascual na makipag-collab  sa vlogger at influencer na si Zeinab Harake. Ito ang ibinahagi ng Ultimate …

SM Kultura Filipino Design

Championing Filipino design brilliance: Kultura and its Filipino Design Studio

SUSTAINABILITY can come in many shapes and sizes. What’s important is the intent, the execution, …

Leave a Reply